Sa kabila ng layo ng narating sa industriya, hindi nakalilimot ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa kanyang naging simula. Tandang-tanda pa rin ng AlDub other half ang unang suweldo niya sa GMA na P10,000—at kabilang ito mga inspirasyon niya ngayon sa pagtulong ibang tao.
Balikan ang isa sa mga naunang audition video ni Alden Richards o Richard Faulkerson sa totoong buhay:
Sa isang panayam sa Kapuso Showbiz News, ibinahagi ni Alden ang kanyang humble beginnings, kabilang na ang unang suweldo niya sa GMA na P10,000 mahigit isang dekada pabalik.
“I think ‘yung unang suweldo ko was P10,000, ‘yon yata ang pinakaunang payslip ko sa GMA,” kuwento niya.
Panoorin ang VTR ni Alden sa isang 2013 GMA audition:
Naging hamon din daw dati sa ngayon ay kilala na bilang Asia’s Multimedia Star ang pagbiyahe palabas at pabalik ng Laguna habang nagtatrabaho sa Maynila. Ito ang dahilan kaya napagtanto niya na kailangan niyang maging mas madiskarte at humanap ng iba pang pagkakakitaan.
“With the income that I’m having at that moment, kinonsider ko muna ‘yong quality of life ko, how do I make my life at the moment more productive?” aniya. “Bumili ako ng secondhand na kotse. Hindi ako marunong mag-drive, ang experience ko lang talaga isa coming from driving a bump car in a theme park.”
“Lakasan lang ng loob. Trust your gut, sometimes ‘yong gut feel is a very powerful tool when it comes to decision-making. And doon ako nag-start, doon ako nagkaroon ng mind conditioning na, ‘Ah, ganito pala ang buhay. If you want something, you work hard and still it will all boil down with being with the right people, be with the right team, kasi hindi mo ‘yan kaya mag-isa,'” saad niya.
Ngayong ipinagdiriwang na ng aktor ang ika-12 taon niya sa industriya, higit sa pagpapaunlad ng sarili bilang isang artista ay prayoridad din ni Alden ang makatulong sa kanyang pamilya at sa iba.
“Gaano na ba karaming tao ‘yong natulungan ko? Itong hard work and efforts ko, anong nagawa nito sa family ko, sa mga taong mahal ko sa buhay? When I look at that, kapag okay ang result, okay sa mas malaking perspective ko, it means successful na ako in that aspect,” wika ng aktor.
For life stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Stories Section.