Sun. Apr 28th, 2024
cellphone 2000s

Naging isa rin ba sa mga hobby mo ang pagpapaganda ng cellphone noong early 2000s? Noong bago pa lamang nauuso ang paggamit ng cellphone, para bang napakaraming oras at pera ng mga taong nakahiligan nang husto ang pagpapaganda sa mga gadget na ito.

cellphone

Pagandahan ng case, bumili ng iba’t ibang klaseng accessories, at nahilig sa pagpe-personalize ng mga ito. Kabilang sa madalas nilang ipagawa ang mga ilaw ng kanilang telepono; ipinapa-customize pa ng iba ang mga ilaw para maging mas unique at sakto sa kanilang personalidad at hilig.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng netizens ang mga sandali kung kailan isa sa mga pinagbuhusan nila ng panahon at oras ay ang pagpapaganda ng kanilang mobile phone.

Cellphone

“Astig ka noon ‘pag maganda at mailaw ang phone mo,” pagbabahagi ng page admin sa caption ng larawang kanyang ini-upload.

“‘Yong casing at ‘yong pasabit sa cellphone noong araw ang kinakarir ko,” kuwento ng netizen na si Louisiana Ignacio.

“Kahit pa mga luma o bigay lang mga naging CP ko, parang bago pa rin. Magaganda kasi mga housing, palawit, at pati mga ringtone,” kuwento ni Elenita Miranda.

cellphone

“‘Pag may nag-text o tawag, ang lakas makailaw na parang nasa sayawan ka lang. Those days!” paggunita ni Betty Jake.

Ikaw, naging hilig mo rin ba ang pagpapaganda ng iyong mobile phone? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

For the memories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Nostalgia Section.

By Rexel-ian Reyes

Rexel-ian Reyes has been a computer technician and an information technology specialist since 2010. He was a former game administrator, as well, and managed several businesses relating to his field of expertise for years. He currently works as an IT officer and graphic artist at the Philippine College of Advanced Arts and Technology and co-owns Takoyacheeks. In 2022, he launched Traffic Digest and Reels. People. Words. as its co-founder and head web and graphic designer—and writer, sometimes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *