Sun. Apr 28th, 2024

Muling naghatid ng good vibes si Zeinab Harake, ang 24-anyos na internet personality na kilala sa pagiging vlogger, at content creator sa pamamagitan ng pagbabahagi ng panibagong vlog.

Sa kanyang video na inupload nitong ika-20 ng Setyembre ay ipinasilip niya sa kanyang followers ang isang awesome na tahanan sa Lebanon. Dumalaw sila ng kanyang kapatid na si Rana sa home country ng kanilang ama at naisipan niyang ipasilip ang ganda ng kanilang pinuntahan.

Larawan ng kasiyahan si Zeinab sa kanyang latest status ngayon bilang partner ng Fil-Am professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. Kaya naman feel na feel niyang i-share ang kanilang house tour na punong-puno ng kakwelahan with singit video calls ng kanyang Daddy Ray.

Sinimulan ni Zeinab ang house tour sa pamamagitan ng aerial shots ng lugar. Ikinuwento niya na ayaw sana ng kanyang ama na i-content niya ang house tour pero hindi na siya naawat.

Aniya, “Actually nung una, ayaw ng tatay ko na i-content ko ‘to kasi ito na naman daw ako, nilalantad ko na naman daw ang privacy niya. Pero wala na siyang magagawa kasi ako, gustong gusto ko talagang i-share sa inyo kasi sobrang ganda nung bahay. At, guys, ang perfect nito, what a dream house for me dahil nasa mountain siya.”

Isa-isa niyang inikutan ang buong bahay para makita ng kanyang followers ang beauty ng loob at labas at may swimming pool pa! Sinabi rin niyang walang airconditioning units ang bahay dahil malamig umano doon kaya nga may fireplace pa.

It’s a prank!

Sa bandang huli ng kanyang video ay may inamin naman si Zeinab. Aniya, “It’s a prank!” hahaha Sobrang nagandahan lang pala siya sa mountain house na iyun.

Hindi pala nila bahay ang ipinakita niya; bagkus ito ay nirentahan lamang nila para sa kanilang pananatili sa Lebanon ng kanyang pamilya sa father side. Ito yung tinatawag na Airbnb, as in “Air Bed and Breakfast.”  May mga property owners na pinauupahan ang kanilang pag-aari na bahay para sa mga travelers sa maikling panahon lamang.

Anyway, nalibang naman tayo sa kanilang mag-ama at nakita natin kung gaano kaganda ang isang mountain home sa Lebanon.  

Panoorin ang video na may mahigit 1.3 million views na in less than 20 hours:

For the local entertainment stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Pinoy Showbiz Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *