Mon. May 20th, 2024
golden gate notebookImage via Johnny Emocling

Isa ka rin ba sa napakaraming estudyante na gumamit noon ng Golden Gate collegiate notebook? May mga alaala rin ba na ibinabalik sa iyo ang classic na kuwadernong ito?

Sa Facebook group na Alaala at Kasaysayan sa Likod ng Lumang Larawan, isa sa mga miyembro ang nagbahagi ng larawan ng isang lumang Golden Gate notebook–isang post na nagbalik sa napakaraming alaala.

“Naaalala pa ba natin ang notebook na ito? Ginagamit pa noon na sulatan ng love letters tapos ‘pag walang pandikit, dinidikitan lang ng kanin,” pagbabalik-tanaw ng nag-upload ng larawan na si Johnny Emocling.

“Ganiyan ang notebook ko noon at iyan ang ginawa kong slam book,” pagbabahagi naman ng isa sa mga miyembro na si John Azares Gebilaguin Napoles.

“Special notebook iyan. Lahat ng aking knowledge, lectures from the notes in the blackboard diyan sinusulat. At ‘pag umuulan, ‘yan ay pampandong ko. Hindi basa ang notes kasi waterproof. Nalalagas lang ang binder sa dulo, tinatahi ng sinulid dahil ngumanganga ‘yon spiral,” kuwento ni Tonette Batoon Asay.

“Ang ginagawa ko, fino-fold ko ang leaves niyan para maging half lang notebook lang, pagkatapos ay nilalagay ko sa back pocket ng pants ko. Wala nang dalang bag kapag ganoon,” ani Ernesto Alarcon.

Ikaw, ano ang gustong-gusto mo sa classic Golden Gate notebook na ito? Ang hitsura? Ang pagiging matibay nito? Ang pagiging notebook ng bayan? Ang abot-kayang presyo? O ang mga alaalang nakakabit dito? Siguro, gaya ko, ang tugon mo ay “all of the above.”

For the memories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Nostalgia Section.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *