Mon. May 20th, 2024
Bayanihan e-Konsulta

Huling araw na sa Martes, May 31, ng Bayanihan e-Konsulta, ang libreng teleconsultation na inilunsad ng Office of the Vice President sa pamumuno ni Vice President Leni Robredo sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa Facebook page ng Bayanihan e-Konsulta, pinasalamatan sa pamamagitan ng isang post ang lahat ng mga doktor, nars, at maging ang mga non-medical professional na nag-volunteer na nakiisa sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo.

“Nais po naming ipaalam na magtatapos na ang serbisyo ng Bayanihan e-Konsulta sa Martes, May 31, 2022. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa inisyatibo nating ito upang makapaghatid ng kinakailangang tulong medikal sa ating mga kababayan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic,” saad ng statement.

“Sa lahat ng ating volunteer doctors, nurses, at iba pang medical professionals, pati na rin sa mga non-medical volunteers na naglaan ng kanilang oras at kakayahan para maging matagumpay ang ating programa, maraming salamat po sa inyo,” pagpapatuloy nito.

Bagama’t magtatapos na ay pinatunayan lamang daw ng mga bumubuo sa Bayanihan e-Konsulta na walang imposible basta nagkakaisa.

“Hindi matatawaran ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at serbisyo sa publiko. Nagpapasalamat din tayo sa mga partners na nakipagbayanihan sa atin para makarating sa mas marami pa ang Bayanihan e-Konsulta,” saad nito.

“Sama-sama, pinatunayan natin: walang imposible sa taumbayang nagkakaisa para iangat ang kaniyang kapwa,” dagdag pa ng statement.

Bayanihan e-Konsulta

For the latest happenings in the Philippines that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s News Section.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *