Mon. May 20th, 2024
barya bulaklak

Natatandaan mo pa ba ang mga baryang ipinambibili mo ng kendi o hindi kaya ay nagiging baon mo sa pagpasok ng eskwela? Kasama ba noon sa mga laman ng coin purse mo ang barya na hugis bulaklak?

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang panahong bahagi pa ng halos pang-araw-araw nilang buhay ang baryang ito kung saan featured ang imahe ng bayaning si Melchora Aquino o “Tandang Sora”. Kung sa panahon natin ngayon ay maliit na lamang ang halaga ng isang sentimo, noon daw ay malayo-layo na rin ang nararating ng Philippine coin na hugis bulaklak na ang value ay five centavos. Samantala, ang iba naman ay nagkuwento na isa sa mga tumatak sa kanila na may kinalaman sa baryang ito ay ang kakaibang hugis nito.

barya bulaklak

“Pambili ng tira-tira, white rabbit, at milk nougat; pati ng mga kending matitigas at makukunat na itinitinda sa school,” kumento ng social media user na si V. Valdez. “Ang tibay ng ngipin ko!”

“Lagi pa iyan drawing sa papel ko noon kasi bulaklak. Iyan lamang noon ay may kendi ka na at saka paunat na kendi na masarap iulam sa kanin,” wika ni L. D. Decain.

barya bulaklak

“Ganyan ang ibinibigay ng lolo namin kapag nagbubunot kami ng balbas niya. Nag-ipon at nangolekta ako ng mga barya noon para magsilbing alaala naming magkakapatid,” pagbabalik-tanaw ni J. A. Licaycay.

Mayroon din namang nakaalala nito pero anila, naabutan man ay hind na nila nagamit pa bilang pambili dahil hindi na ito tinatanggap sa panahon nila.

Wika naman ni E. Ochavo, “Buti pa noong araw may iba’t ibang hugis, laki at kulay ang coins, madaling ma-identify kahit kapain pa sa dilim, ‘di gaya ngayon na halos magkasing lalaki at magkakapareho ang hugis at kulay.”

Ikaw, naabutan mo rin ba ito? Kung oo, ano ang ipinaaalala sa iyo ng barya na hugis bulaklak?

barya bulaklak

For more things and stories from the past that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Memories & Nostalgia Section.

By Rexel-ian Reyes

Rexel-ian Reyes has been a computer technician and an information technology specialist since 2010. He was a former game administrator, as well, and managed several businesses relating to his field of expertise for years. He currently works as an IT officer and graphic artist at the Philippine College of Advanced Arts and Technology and co-owns Takoyacheeks. In 2022, he launched Traffic Digest and Reels. People. Words. as its co-founder and head web and graphic designer—and writer, sometimes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *