Sun. Apr 28th, 2024

Sino bang bata ang hindi dumaan sa pagkahilig sa mga laruan? Iba iba man ang antas ng buhay, ang tiyak, mga laruan ay naghahatid ng saya sa mga paslit.

Sa kasalukuyan, mahigpit na kalaban sa pagkuha ng atensyon ng mga bata ang mga gadgets ngayon tulad ng smart phones, ipads, tablets atbp. Samantalang dati, ang mga laruan mula sa mga sikat na fastfood restaurants ay labis labis nang kasiyahan ang hatid sa mga musmos at ang magkaroon ng koleksyon ng mga ito ay itinuturing nang kayamanan!

Isang post sa Nostalgia Philippines ang magpapabalik-tanaw sa atin sa panahong matindi ang halina ng mga laruang kasama sa pagbili ng package meals ng mga bata mula sa mga paboritong fastfood chains gaya ng Jollibee, McDonald’s, Tropical Hut at iba pa.

Pagbabahagi ni Alex Anayasan  sa kanyang NP post, “Noong mas gusto mo pa ang laruan kesa sa pagkain sa Jollibee…”

Makikita rito ang isang kahon na umaapaw sa dami ng mga laruan na Jollibee characters tulad ng iconic bubuyog mismo na si Jollibee at ang mga kaibigan nito na sina Chickee, Lady Moo, Mico, Champ, Mr. Yum, Twirlie, Popo, Hetty atbp. Hango ang kanilang mga pangalan at imahe sa mga food items ng nasabing kompanya.

Sari-saring tema ang inilabas ng mga fastfood companies bilang promotion ng kanilang food service kaya naman abang na abang ang mga bata sa bawat bagong aytem na kanilang inilulunsad. Mas maraming klase, mas patindi nang patindi ang saya ng mga bata.

Sabi nga ni PJ Dos Sarisari, “Yung sa 2 anak ko po inipon ko talaga..12 yrs old panganay ko and 5 bunso ko. Yan po mga naipon nmin. Jollibee at Mcdo halos lahat. May Burger King din po. Para paglaki nila makikita pa din nila.”  😊😊😊

Ani sinop ni Pj at ng kaniyang mga anak ano? Koleksyon talaga na iningatan kaya’t doble ang saya.

Nang lumaon pa nga, iba iba pang aytems na may fastfood characters ang inilabas ng mga kompanya, gaya ng mga bags, payong, tshirts at marami pang iba, pero ang mga laruan ang maituturing nating topsellers sa mga bata. Sab nga ni Alex Anayasan, mas gusto pa ang laruan kesa sa pagkain. Bonus na lang na masarap ang pagkain nila!?

At dahil sa halinang dala ng mga laruan mula sa fastfood restaurants, aba, isang Pinoy pala ang may hawak ng Guinness World Records (2014) sa may pinakamaraming fastfood toys collection.

Sabi nga ng KMJS, “Mistulang museo ng mga laruan ang tahanan ni Percival Lugue sa Apalit, Pampanga dahil sa kanyang koleksyon ng mga fast food toy.”

Ang kaniyang mga laruan, umabot na kasi sa mahigit 10,000 piraso as of 2014 lang ha. At sa taong 2018 ay nasa 20,000 piraso na base sa feature video na ibinahagi ng Kapuso Mo Jessica Soho. Bumuhos ang mga komento sa video ng koleksyon ni Percival. Marami rin kasi ang nangolekta at patuloy na nangongolekta ng mga magagandang laruan mula sa fastfood chains.

Sabi nga, “There’s a child in each one of us,” kaya naman bata ka man o hindi na bata, may halina pa rin ang mga cute na laruang naging bahagi ng ating buhay.

Panoorin:

Nangolekta rin ba kayo? Share n’yo nga!

For the memories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Nostalgia Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *