Tue. May 21st, 2024
Beads

Natatandaan mo ba ang tali ng identification card (ID) na isinusuot mo noong nasa elementarya ka? Bago gumamit ng ID lace at lanyard noong high school at college, gumamit ka rin ba muna ng tali ng ID na mayroong beads noong nasa mababang antas ka pa lang ng pag-aaral?

Beads

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng maraming social media users ang mga panahong kaligayahan na nila ang bilang at kulay ng beads na nakalagay sa tali ng kanilang ID. May mga iba rin daw na gamit pa rin ito hanggang high school.

Beads

“Tama, kada pasukan ‘yan ‘yong nire-request ko sa nanay ko na bilhan ako ng ganiyan. Marami beads para sikat ka. Kaso noon mahal din ‘yan,” pagbabalik-tanaw ng social media user na si M. Maria.

“‘Yong imbes na nasa leeg ay nasa bulsa ng palda at nakalaylay lang mga bead,” pagkakatanda ni M. Padilla-theart.

“Gusto ko iyong beads ko madagdagan kasi tatlo lang, ‘yong sa iba ang dami. Iniisip ko kung saan kaya nila kinukuha ang mga iyon hahahaha!” saad ni R. C. Gustong.

Beads

“Ganiyan ang gamit namin noong high school. Bawat year may kulay ang tali para alam kung anong year mo na,” kumento naman ni M. M. Valdirama.

Ikaw, ano ang hindi mo makalilimutang alaala na sa tali ng ID na may beads na kasama?

For more things and stories from the past that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Memories & Nostalgia Section.

By Rexel-ian Reyes

Rexel-ian Reyes has been a computer technician and an information technology specialist since 2010. He was a former game administrator, as well, and managed several businesses relating to his field of expertise for years. He currently works as an IT officer and graphic artist at the Philippine College of Advanced Arts and Technology and co-owns Takoyacheeks. In 2022, he launched Traffic Digest and Reels. People. Words. as its co-founder and head web and graphic designer—and writer, sometimes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *