Mon. May 13th, 2024
diamond star maricel

Sa dami ng role na ginampanan simula noong kabataan niya hanggang sa maging iconic at seasoned actress na, maraming nag-iisip na marahil ay kabilang sa mga pinangangambahan ni Diamond Star Maricel Soriano ang pagkawala ng kanyang kinang.

Ngunit ang totoo, hindi raw natatakot ang aktres na malaos dahil bata pa lamang siya ay batid na niyang maaaring dumating ang sandaling iyon.

Sa vlog ng beteranang aktres kung saan nakasama niya ang pamangking si Meryll Soriano, naitanong sa kanya ng nahuli kung natatakot ba siyang malaos.

diamond star maricel

Dito, ibinahagi niya na matagal na niyang inihanda ang sarili sa pagdating ng oras na iyon.

“Hindi [ako takot malaos]. Kasi from the start, bata pa ako, alam ko na iyan. Sinabi na nila sa akin. Sabi nga nila. Kumbaga, isang maliit na bata pero ang laki ng tainga, dumbo ears, lahat ng tsismis nasasagap ko. At, lahat din ng pangaral,” aniya.

“Sabi nga nila, lahat ng bagay may katapusan. Ano ba ang pinaka-ungrateful na business? Show business. Kaya dapat laging handa. Dapat girl scout ka, laging handa,” pagpapatuloy niya.

Pangaral din ni Maricel, sa industriyang ito, bawat bahagi nga paglalakbay ay dapat ipagpasalamat, maganda man o hindi ang kahantungan.

“Hindi puwedeng hindi ka maging handa dahil parang buhay din ito na [marami] ang maaaring mangyari. Maaaring mangyari na sumikat ka—maraming, maraming salamat. Paano kung hindi? Maraming, maraming salamat pa rin dapat,” saad ng aktres.

Sa kabila ng tawag sa kanya na Diamond Star, batid daw ni Maricel na darating ang oras na mawawala rin ang kinang niya, lalo na at mas madalas na nagka-come and go lamang ang mga artista. Gayunman, hindi raw niya ito ikinababahala dahil mas magiging masaya siya kung mararanasan din ng iba ang naranasan niya.

“Kung sumikat ka at tapos na ‘yong time mo, ibigay mo naman sa iba. Gano’n talaga ‘yan, e. Natapos na ‘yong time mo, share it naman with others,” aniya.

Panoorin ang Heart to Heart with Meryll vlog ni Maricel Soriano:

For life stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Stories Section.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *