Mon. May 13th, 2024

Inalala ng Kapuso reporter na si Mariz Umali ang bilin ng kaniyang namayapang ninong na si Mike Enriquez nang ikasal sila ni Raffy Tima.

“Simple lang ang bilin nyo po sa amin ni @raffytima noong ikasal kami — na kahit mag-asawa na kami ‘wag naming kalilimutang magdate pa rin lagi, magholding hands pa rin lagi at lalong pagtibayin ang aming pagiging magkaibigan,” pagbabahagi ni Mariz sa isang Instagram post

“Hindi po namin ito kinalimutan sa sampung taon naming pagiging kasal at babaunin po namin ang pangaral  nyong ito habambuhay. Maraming maraming salamat po, Ninong Mike! Mahal na mahal na mahal ka po namin.”

Bago ito ay ibinahagi rin ni Mariz kung paano nagpakita ng suporta si Mike noong unang beses siyang sumalang bilang anchor sa 24 Oras.

“Always very encouraging and always has words of wisdom to share… That is how I will always remember you, Ninong Mike,” pagbabalik-tanaw niya.

“I recall the moment when I first anchored @24oras with you- your very words when you saw me as you entered the studio ‘It’s about time!’ Those words resonated deeply, an encouragement that ignited the flame in my young journalist heart.”

Ibinahagi rin ni Mariz na magkakaroon ng pagkakataon ang mga nais masilayan ang mga labi ni Mike Enriquez sa Christ The King Parish, Greenmeadows sa Sabado, Setyembre 2, mula 8:30 a.m. hanggang 3 p.m.

Traffic Digest is one with the nation that mourns the death of a news industry legend.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *