Sun. May 12th, 2024

Matapos kilalanin bilang TikTok Creator of the Year ang pharmacist na si Arshie Larga ay hinimok niya ang mga kapwa influencer na maging mas responsable sa paggamit ng kanilang platform.

“I promise to keep on creating educational, entertaining, and inspirational videos para sa inyo. To my fellow creators, pahalagahan natin ang community na ating na-build,” paalala niya sa isang Instagram post.

“Huwag tayong papasilaw sa pera. Ang pera ay kikitain pa natin PERO ang tiwala ng mga tao sa atin ay mahirap makuha o maibalik sa oras na ito’y ating sinira. LET’S BE RESPONSIBLE CREATORS AND USE OUR CLOUT WISELY!”

Aminado si Arshie na hindi niya inaasahang makatatanggap ng pagkilala ang naisip niyang paraan upang makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa mga gamot noong pandemya.

Bukod dito, adbokasiya rin niyang baguhin ang tingin ng mga tao sa mga kagaya niyang pharmacist. “HINDI LANG KAMI TAGA TINDA NG GAMOT,” pahayag niya.

Sa pamamagitan ng kaniyang platform ay napatunayan nga ito ni Arshie, hindi lang sa kaniyang mga manonood, kundi maging sa mga nakatanggap ng libreng gamot.

Dahil kasi sa mga donor ay nakapagbibigay si Arshie ng libreng gamot sa mga customer na  walang sapat na pera.

“Sa tulong nga mga taong patuloy na sumusuporta, nagtitiwala, at nagdo-donate ng pera, nakakatulong kayo upang makapagbigay ng libreng gamot sa mga taong hindi afford ito. I know for a fact na isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nabigyan ng ganitong award this year,” sabi pa ni Arshie.

“Ang award na ito ay hindi lamang para sa’kin, kundi para din ito sa ating mga donors na pinagkakatiwalaan ako ng kanilang pera. Naging daan lamang ako para ang inyong donations ay makarating sa mga taong karapat-dapat na matulungan.”

@arshielife

Work-Tok💊 Hindi na lang daw bibili ng gamot si Lola, mage-exercise na lang daw sya

♬ Hyehwadong(or Sangmundong) – Park Boram

Pinasalamatan din ni Arshie ang kaniyang mga magulang sa patuloy nilang pagbibigay ng gabay at suporta.

“I would also like to thank my family, my supportive Nanay Wilma and Tatay Ramon dahil hinahayaan lang nila ako na gawin ang mga gusto ko at laging nandyan para gabayan ako. Gusto ko din pong pasalamatan ang mga taong patuloy na sumusuporta sa’kin at nanunuod ng mga contents na ginagawa ko. Salamat at hindi kayo nagsasawa sa mukha at boses ko.” 

For life stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Stories Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *