Sat. May 11th, 2024

Naluha ang isang guro mula sa Pangasinan sa natanggap niyang regalo mula sa isang estudyante sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day.

Kuwento ni Teacher Luisa Conmigo sa isang Facebook post, nahihiya pa ang mag-aaral na si Jerick nang sabihin nitong wala siya ibang maibibigay sa guro kundi isang tali ng saluyot.

“The sweetest gift I received this World Teachers’ Day 2023. Thank you Jerick. Ang sabi nya sa akin kaninang umaga na nahihiya pa niyang sabihin sa akin… ‘Teacher, wala po akong maibibigay sa inyo na kahit ano, ala po akong dalang chocolate, o bulaklak o regalo man lang na kahit simple…ang dala ko lang po ay isang tali ng Saluyot,” pagbabahagi niya.

Gayunpaman ay ipinaliwanag ng guro na hindi mahalaga kung may regalo man o wala dahil ang gusto niya lang ay makasama niya ang kaniyang mga estudyante sa pagdiriwang ng Araw ng mga Guro.

“Actually anak, ito ang nagustuhan ko sa lahat . Pinaiyak mo ako dahil pinakita mo sa akin ang tunay mong pagmamahal sa akin bilang iyong guro,” dagdag pa ni Teacher Luisa.

Dahil sa regalong saluyot ay ipinaalala rin daw ni Jerick sa kaniyang guro ang kahalagahan ng kalusugan.

“You are  true and humble and you care for me. Gusto mong ipakita at ipaalala sa akin na dapat laging Healthy si Teacher Luisa.  Salamat anak sa regalo mo.  Mahal ko kayong lahat.”

Marami naman ang naantig sa kuwentong ito ni Teacher Luisa. Sa kasalukuyan ay may mahigit 16k shares na ang kaniyang post.

For life stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Stories Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *