Fri. May 17th, 2024

“Asan na ang tupperware ng mama mo?”

Yan ang naging tanong ni ka-NP na si Sheryl Gesmundo-Cruz sa mga miyembro ng Facebook page na Nostalgia Philippines kamakailan. Nilakipan niya ang kanyang tanong ng isang nakaaaliw na larawan ng ilang ‘Tupperware’ products na lubos na nauso noong araw.

Maraming naka-relate sa mga nakatatawang nakasaad sa larawan. “Minsan macaroni, madalas bahaw,” ayon sa unang piraso ng sisidlan. “Amoy orange juice, tubig lang pala,” ang nakasad naman sa pitsel na item.

May pahula naman sa triple container. “Hulaan mo kung nasaan yung asukal.” hahaha

Sa dami ng naka-relate at hindi nakapagpigil magkomento, umabot ng mahigit 1,300 ang comments at lampas 12K naman ang nagbahagi ng post ni Sheryl. Mayroon ding mga nag-share ng kanilang Tupperware photos.

May Tupperware parties na ginaganap sa mga tahanan noong araw kaya’t labis itong tinangkilik at nauso. Nagkaroon pa ng promos kaya’t huwag magtaka na ang daming Tupperware collectors noon kabilang na marahil ang mga nanay natin at mga lola.

Huwag na ring magulat na kalaunan, nadamay ang ibang plastic products. Basta’t sisidlang plastic, tinatawag nang ‘Tupperware’ kahit iba iba ang brand nito.

And we call every plastic container a tupperware 😁😁😁,” sabi nga isang nagkomento.

“Ngayong year ko lang din nalaman na ang tupperware ay isang brand hahaha”

“A mother’s precious collection ❤️😄

“True kahit disposable sabihin ‘asan ba yung clear na tupperware dito’? 😁😁😁 “

“Ngayong year ko lang din nalaman na ang tupperware ay isang brand hahaha”

“Kahit pa lalagyan lang ng ice cream “Tupperware” tawagggg, kala mo naman ang yaman namin 😭 “

May mga naging dealers din pala ng sumikat na brand sa NP page. “Tupperware Im a dealer long time ago so I have plenty and still using it”.

Sa Klasik Titos and Titas of Manila Facebook page naman ay kinaaliwan ang ‘Holy THREEnity” na tinatawag nila. Ito ang sisidlan para sa pagtitimplla ng kape.

Ayon sa post ng Klasik Titos and Titas of Manila, “Ang holy trinity ng tupperware. Mga panahong hindi pa uso ang 3 in 1. Certified Titos and Titas ang nakaabot nito” 😂😂😂 #TitosAndTitasOfManila

Bumuhos rin ang mga komento at marami ring nag-share nito. Daming napa-nostalgia kasi at nakakatawa rin ang mga ibang ibinahagi nilang karanasan.

“Pero ewan ko ha yung takip nito laging kinakain ng daga, nakakabanas!”

“Pag nakakakita ako nito sa bahay ng kaklase ko noon feeling ko ang yaman yaman nila. Kasi kami wala e. Hahahaha garapon lang lalagyan namin ng kape asukal.”

Ang Tupperware na minahal ng mga magulang natin ay mula sa American household products company na siyang nag-develop at gumawa ng mga serving containers para sa ating kusina at tahanan. Itinatag ito noong 1942 ni Earl Tupper at ipinakilala ang mga produkto sa publiko taong 1946.

Noon pa man naging malaking bahagi talaga ng buhay natin ang Tupperware products; pang handaan man o daily use, pangbaon man sa paaralan o sa trabaho at maging sa mga picnic dates natin.

At sa mga nagtatanong kung mayroon pa bang mga produkto ng Tupperware sa merkado…opo! Meron pa po. Magtungo lamang sa kanilang Facebook page –Tupperware Philippines – para sa mga produktong available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *