Mon. May 13th, 2024

Usap-usapan ang mahigpit na yakapan nina dating senador Atty. Kiko Pangilinan at ng kaniyang esposa na si Megastar Sharon Cuneta matapos ang iconic October 27 “Dear Heart” reunion concert nito sa SM Mall of Asia Arena kasama ang dating ka-love team at naging asawa na si Gabby Concepcion. Naging panauhin rin dito ang nag-iisang anak ng dalawang celebrity na si KC Concepcion.

Makahulugan ang naging caption ni Atty. Kiko sa larawan nila ng yakapan ng kanyang misis.

“Kapag natapos na ang oras sa trabaho. 😁😁❤️❤️🙏🙏,” simpleng caption ngunit may pahiwatig ito sa kanyang Oct. 29 post kalakip ang larawan nilang mag-asawa na magkayakap at kapwa nakangiti.

Muling ipinost ni Kiko ang larawan ding iyun sa kanyang Facebook wall sa araw naman ng Dear Heart VIP Night sa Okada Manila na ginanap nitong ika-30 ng Oktubre. “Pagkatapos ng oras ng trabaho.”

Sari-saring reaksyon at komento mula sa netizens ang bumuhos sa dalawa niyang post. Wala mang paliwanag o mahabang caption, gets na gets ng mga netizens ang ipinahihiwatig dito ng mister ng Megastar at umani ito ng papuri.

“That’s what you call home. A steady, sure and warm. Thank you for loving our Mama Sharon.”

Great man deserve the highest respect. Salute po talaga Sen. Sayo pa rin uuwi si Ate Shawie. Trabaho lang walang selosan 🥰🥰🥰

“Back to reality na din kami Sen.Kiko 😅thank you for supporting us! Sha-Gab fans..Sha-Kiko mode on!” 🥰

Tapos na ang pantasya ng ShaGab, balik na sa realidad hahaha.”

Very understanding husband,,,,,,the Best husband and a father”

“Salute to Sen. Kiko Pangilinan… very supportive and understanding husband…”

“Confident and understanding husband to Sharon. Trabaho lang ‘yan. Keep on supporting each other.”

“Sha-GaB fan here but a highest respect to you Sen.Kiko as a understanding husband.”

Nag-27th anniversary na ang mag-asawa mula noong ikasal sila April 28, 1996.

Sa isang Facebook post noong April 2016 ay inihayag nito ang lubos na pagmamahal kay Sharon.

Aniya, “You are lovelier than all of my organic lettuce (haha!). You are more precious than all the votes I have gotten and will ever get, more important than any position I will ever hold, more valuable than any possession I will ever have, far more beautiful than any experience on earth I will ever come across. You are God’s precious, priceless gift to me.”

Samantala, si Gabby naman ay mayroon ding partner in life, si Genevieve Gonzales.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *