Mon. May 13th, 2024

Matitiis ba ng isang ina ang kanyang anak?

Nakapanayam ni Morly Alinio na isang showbiz chika host ang ina ni Jake Zyrus na si Mommy Raquel Raquel Pempengco kamakailan.

Matatandaang nagkaroon ng gap sa pagitan ng mag-ina matapos ang ilang isyu mula nang nagdesisyon ang dating si Charice na maging si Jake Zyrus.

Sa kabila ng maraming nangyari sa pagitan nila,  aminado si Mommy Raquel na nami-miss niya ang anak.

Sinimulan ni Morly ang panayam sa mga isyu na nakabalot kay Jake tulad ng usap-usapang bumabalik daw ang huli kina Oprah at David Foster. Pinabulaanan ito ni Mommy Raquel.

Naungkat rin yung minsan ay isinugod umano si Jake sa hospital dahil sa labis na kalasingan matapos itong mawalan ng malay.

 Naglabas ng kanyang saloobin si Mommy Raquel kaugnay sa pinagdadaanan nilang mag-ina.

Aniya sa isang bahagi ng panayam, hindi umano luluwag ang pakiramdam ng anak hangga’t ang magulang ay kalaban nito. Dagdag pa nito, “Hindi aayos ang pakiramdam mo o kahit anong gagawin mo sa buhay mo, hindi siya magkakaroon ng peace of mind kasi hanggang ngayon mabigat pa rin yung dinadala niya niya sa magulang niya.”

Nagpatuloy ang pagbibigay ng kalinawan ni Mommy Raquel at pagbabahagi ng mga gusto sana niyang mangyari kaugnay sa anak na lumayo at kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos.

Madamdaming niyang sinabi na kahit hindi na umano sila tulungan ni Jake, ang mahalaga ay kinukumusta man lang sila nito o nakakausap. Aniya, ‘‘Yun ang kulang ngayon kay Jake. Dahil alam niya na hindi kami in good terms. Siguro ‘pag nag-reach out lang siya ‘Mi, okay lang ba kayo diyan?  Mi, ‘Wag ka mag-alala okay kami dito, okay ako dito. Gusto ko lang ng malaya na at malayo na sa showbiz… ok sige, ingat ka diyan. Kung ano man ang maririnig mo, ignore mo lang.

‘Yun sana ang gusto ko mangyari. Kahit hindi niya kami tulungan, ‘yung mero n lang koneksyon na ‘wag kayong mag-alala okay ako dito,” dagdag pa niya.

Hindi napigilang maluha ni Mommy Raquel Pempengco nang matanong kung nami-miss niya ang anak lalo na kapag sumasapit na ang Pasko. Nami-miss niya umano si Charice, at nami-miss din niya si Jake.

‘’Mula nang umalis si  Charice, hindi na ako naglagay ng dekorasyon sa bahay. Hindi ko na nararamdaman ang spirit ng Christmas pag kulang tayo. Siguro magiging masaya ako kung magiging kumpleto tayong tatlo.

Kung kaharap umano nito ngayon ang anak ito ang nais niyang sabihin: “Charice, nami-miss ko yung dati mong ginagawa mo sa ‘kin… ‘Yung mga sinasabi mo sa akin… nami-miss ko lahat. Sana hindi siya nagbago. Kasi para sa akin, wala akong ginawang masama para sa kanya. Ginawa ko ang lahat para  mapabuti sila. Charice, kung ikaw man ay nagbago sana hindi mo binago ‘yung pag-uugali mo para sa aming pamilya mo.”

Inamin din nito ang mga bagay na sa tingin niya ay naging pagkakamali niya sa mga anak.

Marami pang isinalaysay si Mommy Raquel na umantig lalo na sa mga kapwa niya ina.

Matapos siyang hilingan ng awit para kay Jake, aniya, “Hangga’t may hininga ako, maghihintay ako sa kanya.”

Panoorin ang buong video ni Morly Alinio via YouTube:

Bumuhos ang suporta para kay Mommy Raquel sa comments section:

Sobrang proud ako s iyo mommy raquel …sa sobrang pagmamahal mo sa iyong anak na manumbalik sa iyo yung charise na hinangaan namin noong araw…nararamdaman ko yung puso mo sa paghihintay sa pagbabalik ng iyong anak..may awa ang Dios…babalik sa iyo ang anak mo mommy raquel…god bless po..

Grabe ka mommy Raquel pinaiyak mo kaming lahat napaka buti mung ina ginawa mo ang part mo as Her Mom, praying for reconciliation for your whole family sana matupad mo wish mo this Christmas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *