Thu. May 9th, 2024
traffic booksImage via Charina Clarisse Echaluce

Six or seven years old pa lang ako, pangarap ko nang maging author, but it was in 2011 kung kailan sineryoso ko na talaga and I started sharing my literary works online. Mula sa Facebook account ko, napunta ako sa Blogspot, Tumblr, Twitter, Wattpad, WordPress—na-try ko na yata lahat. Naroon ‘yong pain of rejection every time na napapansin ko na wala naman ibang nagbabasa, kung hindi family and friends.

Pero naniniwala talaga ako na hindi ilalagay ni Lord sa puso natin ang isang dream kung wala itong purpose. llang taon matapos magpahinga, sumubok muli ako. January 27, 2016—just another rest day at work, naisipan kong gumawa ng new blog.

Hindi ko akalaing papunta na pala ako nito sa mga pangarap kong libro.

Traffic Books – P150.00 each

Volumes:

  • Minsan Okay Lang Ma-traffic (Volume 1)
  • Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic (Volume 2)

Where to buy:

  • Signed copies via Shopee: Order here
  • National Bookstore
  • Booksale
  • Expressions
  • Precious Pages
  • Gaisano-Alabang
  • Gaisano-Fairview
  • Gaisano-UP Town
  • Merriam-Carvajal
  • Merriam-Makati
  • Merriam-Morayta
  • KCC Mall of Gensan
  • KCC Mall of Marbel
  • KCC-Zamboanga
  • Samya
  • VMZ
  • School Zone-Zabarte
  • School Zone-Ady Cross
  • School Zone-Novaliches

Minsan Okay Lang Ma-traffic (Volume 1)

traffic books
Image via Charina Clarisse Echaluce

Ang buhay ay isang malaking kalsada.

Hindi mo maiiwasan ang tunog ng busina ng mga nagmamadaling awto. Hindi mo maiiwasan ang mga napakababagal magpatakbo, o iyong mga humihinto sa alanganing puwesto. Hindi mo maiiwasan ang ilaw-trapiko na didiktahan ka kung uusad ka ba o hihinto. Hindi maiiwasan ang trapiko.

Ngunit minsan, ayos lang na maipit dito.

Minsan, ayos lang maingayan sa pagbubusina ng mga nagmamadaling drayber ng awto. Kapag ikaw naman ang nagmadali, alam mo nang walang maitutulong ang pag-iingay upang makarating ka sa patutunguhan; na may mga pagkakataong kailangan mo talagang magpasensya.

Minsan, ayos lang matagalan sa pag-usad dahil sa napakabagal magpatakbo ng nasa unahan mo, kagaya ng mga panahong kailangan mong sabayan ang nakaiinip na ikot ng mundo; o dahil sa mga humihinto sa alanganing puwesto, katulad ng biglaang pagkaantala ng paglimot na ilang taon mo nang ipinangangako sa sarili mo. May dahilan ang lahat ng ito.

Minsan, ayos lang na diktahan ka ng mga ilaw-trapiko. Aminin mo man o hindi, minsan ay hindi mo na rin alam kung ano ba ang hakbang na makabubuti sa iyo.

Minsan, ayos lang maipit sa trapiko.

Natrapik na ako noon.

Kung wala ang trapiko, wala ang librong ito.

Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic (Volume 2)

traffic books
Image via Charina Clarisse Echaluce

Sa simula pa lamang ay may nabuo nang imahe ng kalungkutan sa ating isipan. Halimbawa, noong mga bata tayo, ang nasa isip natin na magdadala sa atin ng kalungkutan ay ang pagkawala ng paborito nating laruan o ang hindi pagsama sa atin sa isang pasyalan, o ang pagbabawal sa atin kumain ng sorbetes dahil mayroon tayong karamdaman. Hindi pa man nangyayari ay alam na nating magdadala sa atin ng kalungkutan.

Ngunit nang iwan mo ako. nasabi ko sa sarili ko na hindi mo pala talaga mauunawaan ang kalungkutan mula sa depinisyon nito sa libro o sa mga napapanood sa tanghalan at sa telebisyon. Mauunawaan mo lamang pala ang kalungkutan kapag nalungkot ka na.

Dahil sa iyo ay naunawaan ko ang kalungkutan.

For more Traffic Merch, shop here!

Traffic Merch
Image via Charina Clarisse Echaluce

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *