Sun. Apr 28th, 2024

Naranasan mo na rin bang mapalo ng iyong magulang o ang tinatawag ng marami na “palo ng pagmamahal”?

Isa sa mga naging paraan ng pagdidisiplina ng maraming magulang o nakatatanda noon ang “palo ng pagmamahal”. Minsan ay patpat, minsan naman ay hanger o hindi kaya ay sinturon ang ginagamit sa pagpalo.

Ngunit gaano man kasakit, ito ay hindi ginagawa para tayo ay saktan lamang, ang palo ng pagmamahal ay may layunin na madisiplina nang maayos ang mga bata para maging mas mabuting tao habang lumalaki.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, masayang binalikan ng maraming social media users ang mga panahong napalo sila ng kanilang magulang dahil sa kanilang kakulitan.,

“Ngeee, katakot may pamalo si Inay, takbo na mga bata, run for your life. Hehehe, memories of the old days that we will cherish forever,” kumento ni Fidel E.

“This makes me laugh. Si Nanay nangungurot, si Tatay namamalo ng tsinelas, at si Ate namamalo ng walis tingting,” pagkakatanda ni Herminia F.

“My mom was like this before. maybe that’s why I’m so kind when sleeping,” pagbabalik-tanaw ng social media user na si Jeanlyn.

Samantala, kung ngayon ay tinatawanan na lamang ng mga young once ang palo ng pagmamahal, lingid pa rin sa kaalaman ng karamihan ay nahihirapan din ang loob ng mga magulang kapag namamalo sila. Sadyang may mga magulang lamang na sa paraang ito pinagtatanda ang kanila mga anak.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol sa “palo ng pagmamahal”?

For more things and stories from the past that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Memories & Nostalgia Section.

By Rexel-ian Reyes

Rexel-ian Reyes has been a computer technician and an information technology specialist since 2010. He was a former game administrator, as well, and managed several businesses relating to his field of expertise for years. He currently works as an IT officer and graphic artist at the Philippine College of Advanced Arts and Technology and co-owns Takoyacheeks. In 2022, he launched Traffic Digest and Reels. People. Words. as its co-founder and head web and graphic designer—and writer, sometimes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *