Mon. May 13th, 2024
Kawayang Alkansya

Natatandaan mo pa ba ang kawayang alkansya nina Lola at Lolo? Inabutan mo rin ba ito o nakagamit ka rin ba nito bago mauso ang mga piggy bank na plastik at lata?

Kung iisipin, ang sarap naman talagang mag-ipon sa alkansyang ito dahil wala ka talangang choice kung hindi maghulog nang maghulog dahil tiyak na mahihirapan kang bawiin pa ang mga barya at papel na inilagay mo na. Tanging pagbasag lamang ang paraan upang mabuksan ito.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila & Beyond, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang litrato ng kawayang alkansya. Saad ng nag-post, ito raw ang ginagamit niyang bangko noon.

Nag-share din ang ibang mga miyembro ng group ng kanilang mga karanasan sa paggamit ng nasabing alkansya.

“Naalala ko pa sa nanay ko. Nakakita kasi ako ng kawayan sa may dingding, nalaman ko lang na alkansya iyon nang binuksan na niya,” kuwento ni Myrna.

“Mayroon ako niyan, halos mapuno ng coins. Noong buksan ko, nakaipon ako, kaya nag-deposit ako sa bangko,” pagbabahagi naman ni Anna.

“‘Yan ang Banko Filipino kawayan branch,” wika ni Rodolfo R.

Napa-throwback ka rin ba? Ikaw, ano ang iyong mga alaala sa Kawayang Alkansya?

For more things and stories from the past that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Memories & Nostalgia Section.

By Rexel-ian Reyes

Rexel-ian Reyes has been a computer technician and an information technology specialist since 2010. He was a former game administrator, as well, and managed several businesses relating to his field of expertise for years. He currently works as an IT officer and graphic artist at the Philippine College of Advanced Arts and Technology and co-owns Takoyacheeks. In 2022, he launched Traffic Digest and Reels. People. Words. as its co-founder and head web and graphic designer—and writer, sometimes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *