Sun. May 12th, 2024

Bumuhos ang tulong para sa ilang estudyante ng Tiguisan Elementary School sa Moises Padilla, Negros Occidental  matapos mag-viral ang larawan ng estudyanteng kumakain sa baunang dating lalagyan ng pintura.

Kamakailan lang ay ibinahagi ng gurong si Shema Eslozar mula sa Negros Occidental ang mga larawang kumurot sa kaniyang puso.

Kuwento ng guro, sa ilang taon na niyang pagtuturo ay marami na siyang pagsubok na nasaksihan at naranasan. Ngunit ang tagpong kaniyang ibinahagi ay labis na nagpaantig sa kaniya.

“Teaching in Tiguisan E/S was a bit challenge for us teachers.As for me,in my 8 years in teaching. I’ve already saw & experienced a lot along the way. And these one melts & crumpled my heart to the point nga sakit² kg dw matulo akun lUha,” aniya sa ngayo’y burado nang Facebook post.

Nang ipakita niya raw sa anak niya ang larawan ay napatanong na lang ito, “How can we help him Mama?”

Tugon ng guro, “Nak for now we cant share or give them money to buy lunch box but, I their TEACHER will assure u that I will teach & educate them well. So when the time comes & they will find a better job they will buy lunch box for their children.”

Humipo sa puso ng ilang netizens ang kwentong ito kaya bukod sa mga bagong baunan ay nakatanggap din ng groceries ang mga bata.

“Lahat po ng mabubuti at mababait na nagshare nlng BLESSINGs sa mga  bata ng School nmin & sa mga senders.Ito na Po ang nyung malaking tulOng.1st & 2nd batch ng goods.May God will continue bless everyone. Kami ay taus pusong nagpapasalamat sa nyung lhat.Maraming² salamat Po,” sabi ng guro sa ibinahaging update.

For life stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Stories Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *