Sun. May 12th, 2024
Images via Instagram /Ellen Adarna

Gusto mo bang mag-level up ang iyong social media presence?

Trending ang pagbabahagi ng napakaraming netizens ng kanilang AI (Artificial Intelligence) photos mula sa ilang apps. Glow up ba naman ang hatid ng transformations na ginagawa ng ngayon ay nagva-viral na apps sa social media. Kabilang sa mga kategorya ay ang AI yearbook trend, AI selfie, at AI Avatar

Kabilang ang aktres-model na si Ellen Adarna sa mga nakiuso ngayon at sumabay sa agos ng AI Yearbook photos.

Aniya sa kanyang Instagram post kalakip ang ilang AI-generated na larawan niya, “I wish 🤣🤸🏻‍♀️ “

Ang 35-anyos na maybahay ng aktor-model na si Derek Ramsay at ina ni Modesto Elias (anak kay John Lloyd Cruz) ay tunay namang napakaganda at pinabata ng AI app. Tila balik-tanaw ito sa panahong kolehiyala pa lamang si Ellen at naging queen of the night naman sa kanyang JS Prom. 🙂

Mahigit 40K na ang nag-react sa kanyang mga larawan at bumuhos ang mga komento ng mga followers.

Ayon sa ilang nagkomento, mas maganda pa raw si Ellen sa mga AI-generated photos na ibinahagi niya.

“Dai, ilabas mo yung picture mo bago kapa sumikat, kasi mas maganda ka pa diyan! Been following you during your pre YouTube days!”

“Ito lang yung AI na nakita ko na hindi nag improve. Mas maganda ka pa dyan”

“Dai, Walay difference uy!!”

“i dont think there’s any difference between the real one and the AI. You are a natural Goddess!! 🔥”

“Wala naman nagbago queen ellena 🙂 still stunning! We love you!” 🍓

“No need for ai your beauty is unique even now “ 🔥🔥🔥

Sa isang naunang post ay ibinahagi niya ang isang video clip na hindi AI-generated. Aniya, “Office look 💃🏼 thanks @ultherapyph for making me look like im still in my late 20s at 35″ 😂 #nobadtakes

Pati ang kanyang asawa ay hindi napigilang humanga at mag-react at komento! “Damn,” sabi nito sa IG post ni Ellen. hahaha

For the local entertainment stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Pinoy Showbiz Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *