Sat. May 11th, 2024

Muling nabuhay ang naging usap-usapan noong 2009 tungkol sa babaeng naugnay umano sa late master rapper na si Francis Magalona.

Ito’y matapos maglabas ng isang video ang Boss Toyo Production sa ilalim ng Pinoy Pawnstars Ep.267 sa Facebook kung saan ay ipinakita ang pagbebenta ng jersey memorabilia ni Francis M na ang seller pala ay si Abegail Rait, dating flight attendant, na iniugnay kay Francis.

Dahil sa paglalahad tungkol sa authenticity ng jersey ay nagkapalitan ng tanong at sagot sina Boss Toyo at Abegail at nailahad ng huli na nagkarelasyon nga sila ni Francis M at ito’y ibinigay sa kanya dahil sa espesyal na dahilan.

“‘Abegail, hon, I love you so much.’ Pirma ni Francis M. Bakit po?” tanong ni Boss Toyo kay Abegail nang makita na ang jersey.

“There’s a story behind this jersey kasi, actually untold story. Nakita n’yo naman sa letter na ‘I love you so much,’ so meaning to say, may relationship,” lahad ni Abegail. Ikinuwento na niya nang lubusan ang tungkol sa jersey ni Kiko.

Ipinakilala rin nito ang naging anak nila ng iconic rapper na si Cheska na ang buong pangalan ay Gaile Francesca — na mismong si Francis M umano ang nagpangalan.

Kuwento pa ni Abegail,  naispatan siya ni Francis sa “Eat Bulaga” studio noon at kinuha ang kanyang numero. Doon na nagsimula ang kanilang relasyon at nagkaanak sila ng babae.

Sa loob ng 15 taon ay nanahimik umano si Abegail tungkol sa bagay na iyun pero sa kabila ng mga sinasabi ng mga tao, aniya, “What we had is real, me and my daughter exist. Mahal niya kami and that’s a fact.” 

Ipinakita pa niya ang ilang patunay na may namagitan nga sa kanilang dalawa.

“For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ’yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya. Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me but we exist, what we had is real. Me and my daughter exist. Mahal niya kami, and that’s a fact,” ani Abegail sa Pinoy Pawnstars boss.

Naikuwento rin na nakuha ng kanilang anak ang maraming talento ng ama pati na ang rapping. Hinilingan pa ni Boss Toyo ng sample si Gaile. Whew! Female version ni Francis M. Yo!

Sa bandang dulo ay nabenta naman ni Abegail ang memorabilia sa halagang ₱500k kay Boss Toyo.

Humakot na ng mahigit 10 M views at mahigit 82K shares ang nabanggit na episode sa Facebook page ng Pinoy Pawnstars. Nasa 30k comments na rin ang bumuhos dito.

Noong July 2009, ilang buwan lamang matapos pumanaw ni Master rapper ay lumabas na ang ilang kuwento at mga larawan tungkol sa diumano’y other woman ni Francis at ang anak nilang babae na pinabinyagan nila noong 28 December 2008 sa Kawit, Cavite.

Samantala, panoorin ang buong video ng Pinoy Pawnstars via YouTube para sa iba pang salaysay ni Abegail:

For the local entertainment stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Pinoy Showbiz Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *