Sun. May 12th, 2024

Noodles kayo riyan!

Marami ang naka-relate sa picture story ini-upload ng netizen na si Nelle sa social media kung saan ay nagbahagi siya ng napakaikling kuwento na mahihinuha mong ‘eksena’ sa pagitan ng magulang at anak.

nak kumusta ka na ba sa dorm? nakakakain ka ba nang maayos?”

Samantala, “me sa dorm” naman ang sagot niya kalakip ang larawan ng kanyang diskarte sa pagluluto ng makakain niya sa dormitoryo.

.Inirepost ito ng ilang social media pages kabilang na ang Pilipino Star Ngayon Digital (PSND). Lalo itong nag-viral sa dami ng nag-share (mahigit 26K) at halos 5,900 na nagkomento. Lampas 82K na ang nakuha nitong reactions.

Kuwento ni Nelle sa PSND, “Sa dorm po kasi namin we’re not allowed to cook kaya we do creative ways to cook our meals. Given na on a tight budget ako tapos thankfully meron akong pancit canton and egg that i can cook sa dorm e di ginawa ko na so I can have a meal for the night,”

“Nakakatawa na a lot of people are also doing this sa dorms nila which i think its both kase bawal mag luto sa dorm and also petsa de peligro na,” dagdag pa niya kaugnay sa larawang unang naibahagi sa X (Twitter) kamakaillan.

For representation purposes only

True enough, maraming dorms ang umiiwas sa sunog kaya yung initan na lang ng tubig o mini-cooker ang pinapayagan. Marami namang nabibilhan ng pagkain sa paligid ng mga unibersidad pero minsan talaga ay budget ang problema.

Libo-libo ang mga naka-relate sa kuwentong instant noodles, estudyante man o working public, lalo na kapag ora de peligro.

“Relatable- college days!”

“It’s me and my noodles against the world.”

“Student relate that much, If you want to survive the day you’ll do everything, (coffee, noodles) need to budget.”

For representation purposes only

“Daming makaka relate specially ung mga independent na college students and working ✨ stay strong po satin” ✨

“Boiled egg is a healthier option 😊 importante you are pursuing your long term goal. Kudos sa mga matiiisin na student!

“A doctor’s advice lang: ok naman basta huwag lang palagi. Think of your kidneys and BP.”

Payo ng isang nagmalasakit, “lagyan mo ng carrots at cabbage and healthy na siguro yan.”

Tugon ni Nelle dito, “will do sa sunod na round ko ng famous dorm essentials food <3 “

Marami ding na-touch dahil mayroong magulang na nangungumusta sa kanya. <3

Samantala, pasasaan ba’t pagkatapos ng sakripisyo at pagtitiis, basta’t nagsikap makamit ang goals ay magiging hayahay din ang buhay. Naging bahagi man ng iyong journey ang paghigpit ng sinturon at pagkapit sa noodles at tinapay, masarap balikan sa alaala na nalampasan mo ang lahat ng pagsubok. Sabi nga, “Fighting!”

For life stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Stories Section.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *