Mon. May 13th, 2024

Muli na namang nag-trending ang YouTuber na si MrBeast at ito’y dahil sa bago niyang upload na video na pinamagatan niyang “I Built 100 Wells In Africa.

What? Isandaang balon sa Africa??? Yes!

Si MrBeast, na ang tunay na pangalan ay Jimmy Donaldson, ang “most followed individual creator” sa YouTube na mayroong mahigit 209 million subscribers sa kanyang main channel. Bukod pa ito sa pangalawa niyang channel na Beast Philanthrophy channel na may 18.6 million subscribers.

Labis siyang sumikat dahil sa mga detalyado, mabusisi at high-budget videos niya kung saan ay namimigay siya ng malalaking cash prizes at naglulunsad ng napakarami nang humanitarian aid projects.

Ang proyekto sa latest video na inilabas ng 25-anyos na YouTuber noong Nobyembre 4 kaugnay sa 100 balon na ginawa ng team nila sa Africa ay umabot umano ng walong buwan! Todo effort, ‘di ba?

Lahad ni MrBeast sa simula ng video, “This is the first of 100 wells we’re gonna build in this video.”

Sa kabuuan ng 10-minuto kahaba na upload, ibinahagi ni Donaldson na ang isandaang balon na ginawa nila ay maghahatid ng tubig na ligtas inumin para sa kalahating milyon katao. Makikita rin ang labis na kagalakan mula sa mga mag-aaral at mga residente sa mga local areas na tinulungan ng buong team ni MrBeast.

Nasa video rin ang pagpapakita ng isang babaeng guro sa lugar kung saan sila kumukuha ng tubig para sa paaralan. Dahil sa hindi ligtas na tubig ay nakaranas umano sila ng mga karamdaman at impeksyon.

Bukod sa paggawa ng mga balon, si MrBeast ay naghatid din ng malaking pagbabago sa isang local na paaralan sa pamamagitan ng paghahandog ng mga bagong computer, kagamitan at mga aklat. Nagbigay rin siya ng soccer balls sa mga mag-aaral at pinalitan ang mga blackboard ng mga  makabagong whiteboards at projectors. Ipinaayos din ni MrBeast ang isang mapanganib nang tulay na laging tinatawiran ng mga residente. Wow na wow!

Kasama rin sa video ang pagtungo nila sa Zimbabwe para makagawa ng mga balon at namigay rin ng mga bisikleta sa mga mag-aaral. Grabe! Nagtungo rin ang team sa Uganda, Somalia at Cameroon.

Matinding papuri at positibong tugon ang natanggap ng team mula sa netizens. Ngunit tulad ng ibang bagay sa internet, mayroon din naman silang natanggap na kritisismo. Sa totoo lang, hindi na rin ito bago dahil dati pa man ay may mga pumupuna at bashers na si MrBeast kaugnay sa mga videos niya na pagkakawanggawa ang tema.

Nagtungo si Donaldson sa social app na X (dating Twitter) kamakailan kaugnay sa mga bashers niya.

“I already know I’m gonna get canceled because I uploaded a video helping people, and to be 100% clear, I don’t care. I’m always going to use my channel to help people and try to inspire my audience to do the same,” aniya sa post na nakatanggap na ng mahigit 29.6 milllion views at 13K comments na halos lahat ay papuri at suporta sa kanyang mga ginagawang kawanggawa.

Inaakusahan kasi siyang ginagamit ang mga mahihirap, mga may kapansanan at iba pa para makagawa ng content.

Kabilang sa mga ibinabato sa kanya ang pagtulong niya sa 1,000 katao na may katarata (surgery), at pamimigay ng hearing aid para sa 1,000 katao na may problema sa pandinig. Bukod pa ang pagtulong niya sa mga asong hindi na nakalalakad at iba pang suliranin.

“Rich people should help others with their money. Me – Okay, I’ll use my money to help people and I promise to give away all my money before I die. Every single penny. Twitter – MrBeast bad,” mensahe niya sa mga kritiko via X (Twitter – Jan. 21, 20230.

Tugon naman ng libo-libong netizens na sumusuporta sa kanyang mga videos:

“In llife, there will always be critics and haters but should that stop us from doing good things? Keep on, MrBeast! So many of us support the great things you do. <3”

“Assuming you’re making money on these videos (which I’m assuming is the criticism) and not taking a loss, you are setting an amazing standard by being able to monetize humanitarian efforts. Problems in the world are solved when people figure out a way to profit from solving them.…”

Panoorin ang kanyang mga videos at maging bahagi ng kanyang pagkakawanggawa:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *