Sun. May 12th, 2024

Mayroon kaya sa atin na never nagkaroon ng peklat mula noong isinilang?

Siguro ay wala ano? Bilang mga bata ay nagsipaglaro tayo, naglikot, nadapa at nakaranas masugatan Malaki man o maliit lang.

Kundi man nasugatan ay mayroong nakararanas ng bulutong-tubig o kaya’y severe acne (pimples) o kaya’y napasailalim sa surgery o nagkaroon ng skin conditions na nagdudulot ng pagkakaroon ng peklat.

Well, ano man ang sanhi ngpagkakaroon ng peklat, natatandaan n’yo ba na noon pa man ay naging bukambibig na ng ating mga magulang, lolo at lola o kaya’y ibang kamag-anak ang pagbaling sa sikat na lunas — ang ‘sebo de macho’?

Truly, tanging ang sebo de macho lamang ang nakalakhan natin bilang lunas sa mga peklat na iniwan ng gumaling nang sugat.

May paniniwala kasi na nakatatanggal ito ng marka sa balat, lalo na kung bago pa lang ito natamo para raw maiwasan maging permanente.

Sebo de Macho

Ang sebo de macho (skin emollient sa Ingles) ay mula sa salitang Kastila na nangangahulugan umanong “langis ng barako/toro”. Ito ay isang uri ng gamot na nakapagpapawala ng mga peklat at pilat, o mga bakas ng mga sugat, sa katawan. Tinatawag din itong emolyente at nakapagpapalambot ng kutis, ayon sa Wikipedia.

Sa larangan ng panggagamot, inilalarawan ito bilang panlabas na pamahid o aplikasyon na nagsasanggalang o nagpoprotekta, nakapagpapaginhawa, at nakapagpapalambot ng lamuymoy ng balat.

Sa ilang post sa Facebook ay mayroong mga testimonya na noong araw pa man ay naging takbuhan na ang sebo de macho ng mga nagnais na mawala ang bakas ng peklat sa kanilang balat. Pero tandaan na hindi ito epektibo sa mga lumang peklat.

Paliwanag ng isang FB page, ang Taiwan Online Goods-Beauty Shop, “Ang sebo de macho ay gawa po sa sheep fat or muttons tallow. Subok na mula noon hanggang ngayon ang mabisang pangtanggal ng mga scars.

Pag nagkasugat ka regular ka lang mag apply ng sebo de macho, makikita mo in 2 weeks mawawala ang scars mo…lalo na sa mga bagong nasugatan, the best to kahit bakas ng peklat wala ka makita.”

Mayroon din silang paalala, “❌ don’t apply to fresh wound, antayin muna matuyo ang sugat.

“This is an ointment cream that you apply to your skin to prevent new wounds from becoming scars.”

Napabalik-tanaw ang marami sa mga panahong gumagamit sila nito.

“Binigyan ako ng lola ko nito kasi madami akong peklat sa binti dahil sa kagat ng lamok.”

“Effective. Ginamit ko noong nagka-chicken pox ako noong fourth year high school.”

“I still use it up to now, even if I live abroad. I make sure I have enough supply that can last for a while.”

“Noong bata pa ako, marami akong peklat. Every day, nilalagyan ako ng nanay ko nito…alaga ang legs kasi babae, then panganay. kapag panganay kasi super alaga. Haha! Sa tiyaga ng nanay ko, nawala naman.”

Ikaw,  natulungan ka rin ba noon ng Sebo de Macho?

For the memories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Nostalgia Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *