Tue. May 14th, 2024

Kung usapang vintage ang magiging basehan, tiyak na pasok ang mga sinaunang kagamitan sa ating kusina noong araw tulad ng mga improvised na sandok ng ginawa ng ating mga lolo’t lola, nanay at tatay, at iba pang mga kaanak lalo na sa mga probinsiya.

Mapapabalik-tanaw ka sa mga ibinahaging larawan ni Ka-Nostalgia Philippines member na si Mykyl Karl Indayog kamakailan. Dahil araw-araw kadalasang nagluluto ang ating mga nakatatanda, bahagi na ng kusina ang mga kagamitang gaya ng mga sandok sa loob ng maraming dekada.

Aniya sa kanyang post, “Baong Sandok — Ganito yung mga sandok ng mga lolo’t lola natin noon. Hanggang ngayong meron pa naman gumagamit nito, sinasabi nila kapag ganitong sandok mula sa bao ang gamit nyo mas masarap daw ang luto. Kayo meron pa ba kayo nito sa bahay nyo?

Marami ang napabalik sa nakaraan at nag-share ng kanilang kuwento kaugnay sa mga baong sandok.

Ganyan Ang sandok namin sa province.”

“Noong araw gumagawa ang Lolo ko ng ganyan. Tapos nilalako niya sa Blumentritt.”

“Naghahanap ako nyan walang ako makita, dati ganyan gamit namen pati inuman ng tubig gawa ng Lolo ko.”

“Yes po, Yan ang gamit noon,Lalo na yong sa bundok nanirahan, mayroon pa nga ako niyan.. ginawa ng tatay ko. 💖

Matibay din pala ang mga sandok na yari sa bao at kawayan? Basta daw ang mga ito ay iningatan gaya ng tinuran ng isang NP na miyembro. Kung masira man, ang sabi naman ng iba ay madali lang makagawa ang kanilang kaanak ng pamalit dahil nasa paligid lamang ang materyales.

“Mayroon pa kami niyan sa probinsiya. Bilib nga ako dahil buo at ginagamit pa rin kahit limang dekada na ito. Basta agad linisin at isabit sa mahanging lugar, para hindi nabubulok ang kawayan na handle at bao.”

“Highly recommended na ganito ang gamitin nyo. May nutral elements itong made by nature tulad ng formaline, combatting the speed growth of vacterua. Ang gamit na stainkess ir alloy laddle may mga cadmium, bad, bad for heath. Better still king palayok ang caldero nyo. Bawasan ang plastic packaging. May bisphenol-A, na hindi ma destroy ng nature for the next 100 years. Try to use jars,” payo naman ng isa pa na may paliwanag na ibinigay.

Sa pagbabahagi naman ni Cesar Pedro sa Memories of Old Manila & Beyond, “Ang mga sinaunang pang ipit ng mga damit na nilabhan at mga sandok na bao na gamit sa pagluluto. Ngayon, ang mga pang ipit na yari sa kawayan ay napalitan na ng mga yari sa plastic at ang mga sandok na bao ay napalitan naman ng mga aluminio at stainless. Ah, ang magagandang ala-ala ng lumipas na panahon!”

Sa mga hindi naman kayang gumawa ng mga kauring kitchen wares, mayroon na ring nabibili na mga bamboo cooking utensil set para sa mga naghahanap ng ganito.

For the memories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Nostalgia Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *