Mon. May 13th, 2024

Patuloy na nagpapamalas ng kahusayan sa maraming bagay ang celebrity kid na si  Scarlet Snow Belo; ang anak nina Dra. Vicki Belo at Doc Hayden Kho na walong taong gulang na ngayon.

Sa kanyang  murang edad ay napakalawak na ng kanyang kaalaman at kahusayan sa maraming uri ng sining. Multitalented ang prinsesa nila kaya’t todo suporta naman sina Doc Vicki at Doc Hayden.

Makikita sa social media pages ang sari-saring interes ni Scarlet gaya ng pagdo-drawing, painting, biking, diving, cooking, at pagpi-piyano. Nagkahilig at nag-aral din ito ng taekwondo, ng pagsasayaw at iba’t ibang lenggwahe. Bibong bata at masayahin pa.

Kamakailan lang ay ibinida nito sa Instagram na apat sa kanyang mga obra ang naka-exhibit sa isang art gallery ng University of the Philippines-Diliman College of Fine Arts; Fine Arts Parola Gallery sa Diliman, Quezon City.

Aniya, “It’s finally exhibit day. Two works I made last year when I was still 7 are displayed at the “Pencils and Progress” Student Art exhibit here in the U.P. Fine Arts Parola Gallery.”

Pinasalamatan nito ang kanyang guro sa pagtuturo sa kanya at ang kanyang mga magulang.

Thank you, teacher @cathyongtecodesigns for teaching me how to draw, paint, and love art!🎨 And of course, Mommy and Daddy for being so supportive.”

Sa ganda ng kanyang mga nilikha, walang duda na isinasapuso ni Scarlet ang kanyang pagguhit. Multi-talented talaga siya!

At nito lamang Disyembre 14, ibinahagi nito sa IG ang isang video ng kanyang new adventure – sa mundo naman ng chess!

CLICK image to watch the video

“Today is my first time joining a chess tournament and I’m excited,” aniya sa video. “It was my first time competing so I was kinda nervous but I knew that all I had to do was my best. I had a good time competing, but I really just enjoyed playing the game.”

Saad niya sa caption ng video, “As dad would always say, “practice makes p̶e̶r̶f̶e̶c̶t̶ PROGRESS!” ❤️

Sa kabuuan ay nasungkit naman niya ang 4th place. Sampung competitors ang kalahok sa tournament. Wow! Truly smart ang baby girl! Ang pinakamahalaga ay lubos niyang na-enjoy ang paglallalro ng chess.

Sabi nga niya, “I can’t wait to compete again!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *