Sun. May 12th, 2024

Matapos ipawalang-bisa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!” nitong nagdaang Disyembre 4, 2023, bumuhos ang tuwa sa kampo ng Petitioners na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ.

Buwan ng Agosto nang inihayag ng TAPE na nauna silang magpa-renew ng Eat Bulaga trademark sa IPOPHIL bago pa man ang paghahain ng reklamo ng TVJ biang petitioners. Ilang buwan ding lumutang ang isyu sa trademark na ito kaya’t ang ginamit ng TVJ pansamantala ay E.A.T. sa kanilang noontime show sa TV5.

Sa wakas, ang inaasam-asam ng TVJ at ng Dabarkads ay naganap na. Kinatigan ng ahensiya ng IPOPHIL ang petitioners bilang sila ang lubos na nagmamay-ari ng pamagat na ito; sa pangunguna ng host na si Joey De Leon. 44 years na kung tutuusin.

Walang pagsidlan ng tuwa ang buong team ng E.A.T. sa pagkakakansela ng IPOPHIL sa Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga!” kaya’t sa social media ay ibinuhos nila ang kanilang kagalakan sa napakagandang balita.

Nagdaos din ng presscon ang TVJ kaugnay sa bagong kaganapan.

“Isang libo’t isang tuwa, buong bansa… buong mundo… Eat Bulaga!” anila naman sa caption ng kanilang post sa Instagram.

Bumuhos ang pagbati mula sa mga followers ng TVJ at EB Dabarkadas.

“Congratulations tvj and to all of us who’s truly supporting tvj and dabarkads.. Congratulations to us! Kinilabutan ako habang binabasa ni Tito Sen ang statement opening.. Kinilabutan at natulo luha ko sa saya! Congratulations!”

“Thank you Lord for this beautiful blessings for TVJ and the whole D’Barkads! Iba yung happiness na ibinibigay ninyong lahat sa aming mga tagahanga nyo. Always the truth will set you free. Finally Bossing has expressed his side. TVJ will always be in our hearts.”

Sa unang pagkakataon mula nang lumipat sila sa TV5, inawit ng EB original hosts Tito, Vic at Joey, kasama ang “legit dabarkads,” sa pagbubukas ng kanilang noontime show ang theme song ng EB nang walang pigil sa pagbanggit ng “Bulaga.”

Sa usaping ownership naman sa theme song ay walang problema. Nauna nang naibahagi ni Tito na “It’s registered, along with our other compositions since 1975, under our publishing company, Star Music.”

Samantala, lubos na umaasa ang TVJ na igagalang ng TAPE Inc. ang desisyon ng IPO, upang solo na nilang magamit ang titulong Eat Bulaga! sa TV5 show nila. Naghain pa ng apela ang TAPE Inc. ngunit nitong gabi, ika-7 ng buwang kasalukuyan, ibinalita ni Tito sa kanyang X account na, “Appeal of tape re eat bulaga IPC class 41 dismissed! The People recognized TVJ as Eat Bulaga! Now, GOVT officially recognizes them as such. The others are exponents of sham!”

Inilabas din ng Sa Totoo Lang ng One PH ang update. “Dinismiss na ng Intellectual Property Office of The Philippines (IPOPHIL) ang apela ng TAPE Inc. laban sa application ni Joey de Leon para sa class 41 ng ‘Eat Bulaga!’ trademark.

Dagdag pa nila, “Another victory ito para sa TVJ ngayong naka-rehistro na rin kay Henyo Master Joey de Leon ang naturang trademark!

For the local entertainment stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Pinoy Showbiz Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *