Mon. May 13th, 2024

Hindi maikakaila ang labis na kasikatan ng The Quad sa Makati noong dekada sitenta pataas.

Sa Facebook post pa lamang ni June Candido sa Ang Ating Nakaraan 🇵🇭 page ng larawan ng nostalgic na The QUAD ay dumagsa na ang napabalik-tanaw sa glory days ng nasabing pasyalan at pamilihan sa siyudad ng makati.

Ani June, “The QUAD, Makati 1975″.

Apat ang sinehang pinagpipilian namin noon diyan at may amusement centre na may arcade at video games at shops.

Ang The Quad, na dinisenyo ng sikat na arkitekto na si Carlos Arguelles, ay sakop ng Makati Commercial Center (na dinevelop noong 1960s ng mga Zobel de Ayala). Noong 70s ay nagsimula nang dumami ang mga commercial establishments gaya ng mga retail stores at mga restaurants at naitayo na nga ang Quad Theater.

Bandang 90s nang desisyunan ng mga Zobel de Ayala na i-redevelop ang Makati Commercial Center. Binago rin ang pangalan at naging Ayala Center na.

Hanggang 1997 na lang nanatili ang pangalan ng The Quad. Naging Glorietta na ito mula noon.

Maraming nagkomento sa nasabing throwback post. Umabot ng mahigit 1,200 comments at reminiscing with photos pa ang iba.

“My first date happened in that place.”

“I miss the old Makati Commercial Center.”

Memories! D iconic QUAD theatre where we used to watch Superman & James Bond movies. Eat at Fastfood chain or go to Au Bon Vivant!”

“When fun was simple & uncomplicated.”

And nothing beats this classic and so beautiful parking space fronting Manila Garden(old name meaning I’m old 😂). Ang luphet ng architectural design niya. Kalungkot lang that they had to expand and needed to demolish such amazing structure. 😔 ” – Y. Nozar

“The place where I spent my three hours break from working at Manila Intercon for 15 years. Had lots of fond memories at The Quad.”

“That was my first mall – Fav places was Magnolia Ice cream & Bio Research Fish store.”

Naging suking sinehan at pasyalan talaga ang The Quad ng maraming tao mula nang itinayo ito. Kaya naman maraming memories ang dala ng nostalgic na larawan ng nakaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *