Tue. May 14th, 2024

Ang kinatatakamang ulam ng mga Pinoy hanggang ngayon na “sinigang”, itinanghal muli bilang isa sa “100 best dishes” sa buong mundo!

Hindi na nakagugulat ano? Batid na kasi natin na bukod sa ating mga Filipinom, napakaraming lahi na rin ang labis na nasarapan sa lutuing ito

Ayon sa talaan ng kilalang experiential travel online food guide na Taste Atlas, napabilang bilang top 97 ang sinigang matapos itong makakuha ng 4.48/5 rating.

Ang naging basehan umano ng Taste Atlas sa “100 best dishes in the world” ay ang 10,927 catalogued dishes na binigyan ng rating ng 395,205 users, kung saan 271,819 dito ang valid.

Ang ating SINIGANG ay inilarawan ng Taste Atlas bilang “sour Filipino soup consisting of sampalok (fruits of the tamarind tree), water spinach, hot peppers, cabbage, broccoli, eggplant, diced tomatoes, sliced onions, ginger, garlic, green beans, fish sauce, and salt. The basic broth usually consists of rice washing, with the addition of a souring agent.”

Maaaring maglahok ng iba-ibang sangkap gaya ng baboy, isda, hipon, manok, baka, o iba pa. Maaari ring gumamit ng ibang pampaasim o pampalasa gaya ng hilaw na manga,  kamias, miso o bayabas. Sari-sari ding gulay ang maaaring ilahok sa sinigang. Ang bawat rehiyon sa bansa ay may kanya-kanyang bersyon ng sinigang.

Ang mahalaga, maisilbi ito nang mainit pa para lubos na ma-enjoy ng mga kumakain.

Matatandaan na hinirang din ang sinigang bilang Best Soup in the World ng 2021 Taste Atlas Awards matapos nitong makauha ng 4.63 rating out of 5 stars.

Kung hindi mo pa nasubukang magluto nito, narito ang gabay mula sa YouTube channel ng Sebi’s Kitchen:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *