Sat. May 11th, 2024

Mahigit 5,300 na komento at 53,000 reaksyon ang natanggap ng isang post ng blogger na si Mommy Hieds kaugnay sa nalalapit na Pasko. Umabot na sa 30K pataas ang nag-share ng nakakukulo ng dugong kuwento kaugnay sa “paghingi ng pamasko” ng isang nanay sa mga ninong at ninang ng kanyang anak. Hala naman kasi!

Nagpatulong kasi ang isang anonymous na nanay kay Mother Hieds para “isangguni” ang kakaibang ginawa ng kumare sa social media para diumano sa kanyang anak.

Lumalabas kasi na gumawa ang nasabing nanay ng group chat (o GC) na kabilang ang mga ninong at ninang ng kanyang anak para makalikom ng pondo pambili ng tablet.

Sa Facebook ay ibinahagi ni ni Mommy Hieds ang screenshot ng mensahe ng mother na gumawa ng GC para sa mga ninong at ninang ng kanyang supling para mag-ambagan sa request na tablet umano ng bata. At para sumaya ang bata, ang hinihingi ng ina ay tiglillimang libo bawat isa!

Pakiusap ng sender sa mga parents sa pamamagitan ni Mommy Hieds, “Nananawagan po ako sa lahat ng mga magulang na wag po sanang ganito.

Aniya, “Wag pong palademand sa ninong/ninang ng mga anak niyo. Magbibigay po kami ng maluwag sa puso namin. Nakikita niyo man na nakakaluwag kami sa buhay, hindi po dahilan yun para huthutan niyo kami. Ginawa niyo kaming Godparents para magabayan ang mga anak niyo hindi para mabilhan ng mga gusto nila.”

Sa comments section ay ibinahagi din ni Mommy Hieds na “Actually marami silang nagmemesage sa akin. May GC din mga kumare/kumpare. Hindi nag iisa si sender.”

Wala namang sumang-ayon sa ginawang ito ng subject na nanay. Iba ibang mensahe ng pagtutol at reaksyon ang bumuhos. May mga naka-relate din na nakatanggap ng mga “request” mula sa mga magulang ng kanilang mga inaanak. May mga nagpayo na magsolian na raw ng kandila.

“Toxic ng ganito.”

“Ibalik mo kandila sissy 🙂 para wala na kayo ugnayan baka mag increase pa yearly 🤣🤣🤣

“Kapag ako ginanito ng mga nanay ng inaanak ko …. Hnd lng kandila isasauli ko …. Pati Yung give away na tig sasampung piso isasauli KO” 😂😂😂😂😂😂😂

“May ganyan palang nanay.. Naku buti na lang wala sa ming mga ninong ninang… Parang gusto nang ipaako sa ninong at ninang obligasyon nila halleerrnnn”

May paalala naman ang iba tungkol sa kahulugan ng pagkuha ng mga godparents.

“Ang importante lang naman meron tumatayong pangalawang magulang ng bata… For me as long as nagpapakita cla ng magandang halimbawa sa anak ko malaking impact na un… Never expect ng kahit ano lalo na magdemand since di nman maiicp magdemand ng mga bata eh.”

“Ang role po talaga ng ninong at ninang sa mga inaanak ay yung gabayan sila, lalo kung wala ang mga parents. Kasama dun ang pgpapanalangin para sa mga inaanak. Kung may maibigay man ang ninong/ninang tuwing may mga occasions, bonus na po yun. Huwag po natin obligahin ang Godparents ng ating mga anak. Matuto pa tayong mahiya nang kunti.”

Kayo, ano bang ‘criteria’ n’yo sa pagpili ng mga ninong at ninang? 🙂

For odd, heartwarming, extraordinary, and trending stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Social & Trending News Section

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *