Sun. May 12th, 2024

Habang may buhay, may pag-asa. At hindi lang ito sa tao lumalapat kundi maging sa ating mga fur babies!

Mula nang nawalan ng isang paa, matinding pagbabago ang naganap sa buhay ng isang aso na may lahing Brittany Spaniel — si Dexter. Pero imbes na malugmok ang furbaby na wala pang isang taon ang edad noong nagkaroon ng kapansanan, mas pinili ni Dexter na tuklasin kung ano ang mainam niyang magagawa para patuloy na mabuhay nang nakagagalaw at masaya.

Amazingly, nagawa ni Dexter na maglakad gamit lamang ang dalawang paa na animo’y isang tao.

Ayon sa kanyang tagapag-alaga na si Kentee Pasek, nahagip ito ng isang sasakyan taong 2016 kaya nagkaroon ng kapansanan at kinailangang maoperahan ilang taon na ang nakararaan. Masakit ang naging pangyayaring iyon ngunit ibang klase pala ang tibay ng loob ni Dexter. Makalipas ang dalawang buwan, nagulat na lamang umano sila nang matuto itong maglakad gamit ang dalawang paa lamang.

Salaysay ni Kentee, “My reaction was pure shock and disbelief I called the vet and it was decided Dexter was safer to walk upright if he wished without the wheels than to walk upright with them attached.”

Kuwento naman ng beterenaryong nag-aalaga kay Dexter sa panayam ng Denver Post. “He chose two legs. They didn’t make him walk on two legs. He accepted that he has this adversity and that he’s not going to let it get him down. He has amazing resilience.”

Samantala, may mga nag-alala na baka makasama sa kalagayan n Dexter ang ganoong paglalakad. ”

Pero pagtitiyak ng carer ni Dexter, may regular checkups ito at ang nakababahala ay kung maglalakad ito nang isa na lamang ang paa sa harapan dahil masyado na raw itong mahina at tiyak na magdudulot na ng matinding hirap at sakit sa kanyang alaga.

At ngayon, ang araw-araw na karanasan at pakikipagsapalaran niya bilang isang walong-taong gulang na aso na naglalakad kagaya ng isang tao ay nagbibigay-aliw at inspirasyon na sa pamamagitan ng kanyang mga larawan at videos sa Facebook at Instagram account na Dexter Dog Ouray.

Saoobin ng isang follower ni Dexter sa IG, “I feel like this is the equivalent of being on a bike and letting one leg dangle while you coast along so it can rest 😂 I’m sure if he was uncomfortable walking like this he would choose the most comfortable way to walk. Maybe when he gets a bit older and the strain becomes worse he might be more accepting of the wheels. But for now he’s happy being his quirky bipedal self” 😂❤️

Sa mga videos na ibinahagi sa Instagram na may 197K followers ay makikita namang masaya si Dexter kaya’t hahangaan mo talaga. May mga ‘Meet & Greet” pang events with Dexter!

Sa mundo ng fur babies, kabilang si Dexter sa mga naghahatid ng inspirasyon, kaaliwan, at pag-asa. Kung kinaya niyang tumingin sa kinabukasan nang may sigla, kaya rin ng tao!

Atin siyang panoorin!

For animal features and information that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Animal Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *