Hindi ikinaila ni Josie Harrison, ina ng Filipino-American comedian na si Jo Koy, na nasaktan ito sa mga negatibong kumento sa hosting stint ng kanyang anak sa ginanap na Golden Globes kamakailan.
Sa panayam ng ABS-CBN News, inilabas ni Josie ang kanyang mga sentimyento at kung paano niya ikinalungkot na marami sa mga basher ni Jo Koy ay mga kapwa nito Pilipino.
“If you love somebody and you know they’re hurt, it hurts me [as well],” aniya. “Nalungkot ako sa iba lalo na kapag nakita ko ang source ng naysayers, should I say, ay mga Pilipino. It’s kind of disappointing.”
Ipinaalala rin ni Josie na hindi madali ang magsalita sa ganoon kalaking event na dinaluhan ng mga pinakamahuhusay sa industriya at wala namang taong perpekto.
“Ang masasabi ko lang sa kanila is hindi po napakadali ang magsalita ng ganiyan. Hindi madaling maging komedyante kagaya ng anak ko. Gaya ng sabi ko, ang isang komedyante, they try to please you, they try to make you laugh to make you smile. ‘Yon ‘yong naging trabaho niya no’ng gabing iyon,” wika niya.
“I know Joseph [Jo Koy] tried his best that night,” pagpapatuloy pa ng ina.
Sinabi rin ni Josie na hindi lamang para sa sarili ang ginagawa ng kanyang anak, “Jo Koy is a Filipino and I know he was doing it for the sake of the Asian group and I know he was proud of that.”
Narito ang buong panayam ng ABS-CBN News sa ina ni Jo Koy na si Josie:
Sa isang naunang panayam sa showbiz veteran na si Ogie Diaz, ibinahagi ni Josie kung gaano siya kasaya para sa anak:
For global entertainment stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Entertainment World Section.