Sun. May 12th, 2024

Ang batang musmos na minahal ng marami sa industriya ng showbiz ay tunay namang hindi malilimutan ng mga tao kahit pa maraming taon na ang dumaan.

Sa dami ng kanyang nilahukang pelikula at mga programa sa telebisyon, sino ba ang hindi nakakikilala sa dating child star na si Serena Dalrymple na nagpaiyak at nagpatawa sa atin?

Hindi na mabilang ang mga proyektong nagpamalas ng kanyang galing kasama ang ilang mga batikang artista.

Well, ang Filipino-American na aktres na opisyal na nagretiro sa industriya mula noong 2005 ay humahakot pa rin ng pansin. Bagamat nagretiro na ay makalawang beses din naman siyang umuwi ng bansa para sa mga pelikulang naging bahagi siya ng kuwento – ang ‘Ang Tanging Ina Ninyong Lahat’ (2008) at ang ‘ Ang Tanging Ina Mo (2010).

Kaya naman hindi nakapagtatakang marami pa rin ang nakasubaybay sa buhay ng ngayo’y 33-anyos nang si Serena na ikinasal sa kanyang kasintahan noong Oktubre 2022 at ngayon naman ay handa nang maging isang ganap na ina.

Sa kanyang Instagram account ay ibinabahagi ni Serena ang ilang kaganapan sa kanyang masayang buhay ngayon sa piling ng kanyang mister na si Thomas Bredillet.

Aniya sa isang IG post, “10 weeks to go!”  ❤ kalakip ang isang larawan ng kanyang baby bump.

Haos 62k na ang nag-like ng kanyang post at marami sa komento ang napabalik-tanaw sa ilang pelikulang tinampukan niya, lalo na ang “Bata Bata Paano Ka Ginawa?” kasama ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang ‘kapatid’ niyang si Carlo Aquino.

“Wow. I just rewatched Bata Bata Paano Ka Ginawa? and now may bata na sa sinapupunan mo 😅 “

“Congrats… Baby girl 😍… U still a young girl for me. Serena Dyrimple 😘❤ “

“I’m binge watching all your movie now. You are really a good artist 😍❤ “

Nobyembre ng 2023 nang ibinahagi niya sa kanyang social media accounts na magkakaroon na sila ng supling ng kanyang asawa.

Aniya, “Adding a little more love to our tribe ❤ “ kalakip naman ang ilang larawan nila ng mister.

Bumuhos ang pagbati mula sa mga tagahanga at mga kaibigan ni Serena sa industriya kabilang na sina Angelica Panganiban, Rica Peralejo, Nikki Valdez at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *