Wed. May 15th, 2024
pangarap

Nang sambitin mo ang salitang pangarap, ano ang ibig sabihin mo? Pangarap na handa kang gawin ang lahat para makamtan—o isang bagay na tanggap mo nang hanggang pangarap lamang?

pangarap

Ang pangarap ay puwedeng iyong gusto mong maging pagdating ng araw, katayuan sa buhay na inaasam, bagay, lugar, pagkain, tao, at marami pang iba.

Ngunit maging totoo tayo.

May mga pangarap na gusto mong makuha—pero gusto mo lang, hanggang “gusto” lang, hindi ka maglalaan ng oras at hindi mo susubukang makamtan. Maaaring dahil hindi mo ganoon kagusto. Puwedeng takot kang mabigo. O pakiramdam mo may iba pang mas karapat-dapat sa oras mo.

May mga pangarap na aabutin mo—pero hindi pa ngayon. Maaaring kulang ka pa para roon. O hindi kaya, may kailangan ka munang unahin. Pero ito, sigurado kang susubukan mong makuha, nasaan ka man ngayon—gaano ka man kalayo—lahat ng daang tatahakin mo e dito papunta, palagi mo itong ikokonsidera.

pangarap

Samantala, may mga pangarap din na mananatiling hanggang pangarap lamang. Maaaring sinubukan mo na lahat pero wala talaga. Puwede ring makabubuti ito sa iba pero hindi sa iyo. O dahil mali na kuhanin mo ito; dahil bawal, dahil hindi patas, dahil hindi makatarungan.

Kaya dapat alam mo sa una pa lang kung anong klaseng pangarap ang tinutukoy mo, para alam mo kung kailan ka mag-aalis—o maglalagay—ng limitasyon.

pangarap

Nang sambitin mo ang salitang “pangarap”, ano ang ibig sabihin mo? Pangarap na handa kang gawin ang lahat para makamtan—o isang bagay na tanggap mo nang hanggang pangarap lamang.

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2019

For the Traffic Feels that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Literary Section.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *