Tue. May 14th, 2024
pagmamahal sa sarili

Sa pagmamahal sa sarili dapat lagi magsisimula.

pagmamahal sa sarili

Dito mo kuhanin ang pag-ibig na ibibigay mo sa iba. Ito ang bukal na dapat pagmulan ng pagmamahal—sa mga tao man, sa mga bagay, sa mga pangarap, at sa napakarami pang lugar na mapapalapit sa iyo sa daan ng buhay. Hindi ka manlilimos nito. Hindi ka aasa sa kahit sino o sa kahit ano para lamang mabuo.

pagmamahal sa sarili

Higit sa lahat, dito mo dapat kuhanin ang lakas na sa tuwing pinahihina ka ng buhay o ng kapalaran. Ito dapat ang maging rason upang maging kasing tapang ng ikaw na humaharap sa salamin ang ikaw humaharap sa mundo. Hindi ka dapat mawalan ng pag-ibig na iaalay sa sarili mo sa tuwing pagkakaitan ka ng mga bagay na magpapasaya sa iyo. Hindi ka dapat maubusan nito maging sa panahon ng pagkakamali, pagkadapa, pagkaligaw, pagkabigo, at iba pang magpaparamdam sa iyo na hindi ka na kamahal-mahal.

pagmamahal sa sarili

Dito mo kuhanin ang lakas para makabangon at muling magsimula. Dito ka magsimula kapag wala nang natira kung hindi ang mga wakas, ang mga hangganan, at ang mga salita ng mga taong nangakong iibig nang wagas.

Sapagkat sa pagmamahal sa sarili dapat lagi magsisimula—at babalik kapag mauubos ka na.

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2021

For literary pieces that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Literary Section.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *