Thu. May 2nd, 2024

May Christmas decors na ba kayo? Kayo ba yung masipag magtago ng mga nagamit nang pamaskong decor para muling magamit sa mga susunod na Pasko?

Pumukaw ng pansin ang ilang klalsik na pangdekorasyon tuwing sumasapit ang kapaskuhan.

Sa post ni Sheryl Gesmundo-Cruz ay tiyak na marami ang makaka-relate sa mga klasik na pandekorasyon sa Pasko na naging uso noong mga 70s-80s.

Aniya, “Yung ganitong christmas decorations noon.” Kalakip nito ang isang larawan kung saan ay mababasa ang “Remember when Christmas decorations looked like this.”

Maraming napabalik-tanaw sa mga nabibiling ornaments na naisasabit noon sa mga kisame at pader at kung saan-saan pa. Nakapagpapaligaya naman talaga, ‘di ba?

Sino rin ba ang makalilimot sa sumikat na Manger Nativity Set o yung tinatawag nating ‘Belen’? Cardboard cutout ito na inaayos para mabuo ang tunay na diwa ng Pasko — ang pagsilang sa mesiyas na si Hesus.

Sa ibinahaging video post ni Arki Tek ay tiyak na babalik sa iyong alaala na once upon a time ay nagkaroon kayo nito; sa bahay man o sa paaralan. Pinamagatan niya itong “Ang dahilan kung bakit may Pasko!”

Kuwento ni Arki Tek, “Noong bata ako eto ang paborito kong dekorasyon sa bahay namin. Na enjoy ko pag assemble at yung kapag kelangan linisin at aayusin ko ulit ay nagkakapalitpalit na pwesto sa pagbabalik ko. The Nativity Scene brings joy at lagi kong naiisip ang kalalagayan ni Joseph at Mary noon. Sa sabsaban Siya ipinanganak…

“Ang Noche Buena at Media Noche namin ay Lola ko naghahanda at kahit anong antok namin ay gigisingin kami. Kape na may gatas at pandesal na may keso…espesyal na po yun samin. At mas na appreciate ko yung ganun kasimpleng selebrasyon lalo na ngayon. It’s my comfort food at yun pa rin ang gusto ko hanggang ngayon kahit pwede naman kaming magpalitson at magpakabongga. Ilang beses na pong natatapon lang ang ham sa ref ko (nakakaligtaan kainin..tsaka na yan lagi kong sinasabi),” dagdag pa niya.

Sa mga nalulungkot na baka sa Pasko ay walang handa at walang bagong damit kayo 🙏🏻 dasal lang po at pagsikapan lang ang buhay. Kung estudyante ka ay pagbutihin ang pag aaral at gawin mong goal sa buhay na mas bumuti ang inyong pamumuhay.

Be grateful at laging tandaan na ang Pasko ay hindi naman tungkol sa materyal na bagay. Ang pinakamahalaga ay nasa puso mo lagi ang Diyos na kaya naman ibigay lahat ng pangangailangan mo at maging ang nasa puso mo lamang! Dinig Nya at naiintindihan Niya maging ang iyong buntong hininga!

“Life is beautiful because God is good!!” bilang pagtatapos naman niya.

Siyempre, noon ay tradisyonal nang simbolismo ang pagsasabit ng parol sa bahay, mga paaralan at mga gusali. Kadalasang yari sa kawayan at papel de hapon o cellophane ang mga parol noon gaya ng sa ibinahaging blog ni Mommy May Palacpac.

Naging proyekto ng mga mag-aaral ang paggawa ng parol noon bilang pagpapalaganap ng diwa ng Pasko. Sana lang, iapuso natin ang tunay na diwa ng Pasko! Merry Christmas!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *