Fri. May 17th, 2024

May mga panahong hindi mo maiiwasang mapalingon sa nakaraan lalo na kung marami ka ritong magandang alaala.

Tiyak na mapapabalik-tanaw ka kapag nakakakita ka ng mga lumang larawan mula sa ating nakaraan sa social media, gaya na lamang ng ilang larawan ng Roxas Boulevard na dating Dewey Blvd. ang tawag.

Isa si Vilma Santiago Mundares sa mga nagbahagi ng nakahahalinang litrato ng Roxas Blvd. sa Facebook page na Ang Ating Nakaraan 🇵🇭. Aniya sa caption, “Roxas Boulevard, Formerly called Dewey Boulevard.”

Nariyan din ang larawang ibinahagi naman ni Lechhtan Nartleb sa Nostalgia Philippines FB page bilang pagbibigay-halaga sa makasaysayang lugar na kilala bilang pasyalan sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Dumadaan ito sa mga dalampasigan ng look ng Maynila.

Dito ay mas malawak na natatanaw ang kahabaan ng Roxas Boulevard, ang asul na dagat, mga punongkahoy at pati na rin ang mga lumang modelo ng mga sasakyang bumabaybay sa kalsada. Tantiya ng isang netizen ay mga 1955-65 ito.

Bumuhos ang daan-daang mga nostalgic comments sa mga larawan. Napakaganda ng tanawin doon nang mga panahong iyun. Hindi nakapagtataka na yung mga nakatira malapit sa Roxas Blvd. ay madalas na nagpapahangin at namamasyal sa area malapit sa dagat.

I still prefer to call it “Dewey Boulevard“ for all the emotional attachments and the nostalgic and fond memories that I treasure up to this very day!

Yan ang Roxas Blvd na malaala ko way back ’60’s.I was trained as a waiter at Aristocrat Restaurant at a very young age and became the youngest captain waiter at Sulo Restaurant (Makati) from 1963-’69.

Ang ganda ng lugar na yan… may lugar pa diyan na pwedeng maligo. imbes na gobyerno ang mangalaga jan… nakakalungkot lang sila pa ang unang sumisira. balang ara di mo na matatanaw yang dagat kase pag aari ng mayayamang negosyante.

Noong maliliit pa kami, pag may mga ubo kaming magkakapatid dadalhin kami ng Lolo ko sa Dewey Boulevard para makasagap ng sariwang hangin, malapit lang bahay namin sa Dewey Boulevard.

Si Doc Willie Ong ay nagbahagi rin ng larawan pero mas bago bago naman. Aniya, “Manila BAY 1970
Photo: Dewey Boulevard (now Roxas Boulevard), 1970. Ang luwag at ang LINIS ng Manila Bay
Naalala niyo pa ba ito?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *