Sat. May 11th, 2024

Kamakailan lang, ang inasam-asam ng TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon)  at ng Dabarkads ay naganap na. Ito’y nang kinatigan ng ahensiya ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang petitioners bilang sila ang lubos na nagmamay-ari ng pamagat na; “Eat Bulaga!” sa pangunguna ng host na si Joey De Leon. 44 years na kung tutuusin; taong 1979 pa ito nabuo.

Kaya lang hindi pa nila ito naaangkin nang lubusan dahil ginagamit pa ng nilisan nilang programa sa Kapuso Network ang pamagat na “Eat Bulaga!”

Kaya naman sa isang X post ay inihayag ng host at actor na si Joey ang kanyang Christmas wish kalakip ang isang larawan ng kanyang artworks at pagbati ng Happy New Year.

Saad ng beteranong host sa larawan, “Happy New YearLove, @angpoetnyo” bilang text caption.

Bumati si Joey ng Maligayang Pasko para sa lahat at pabirong hinatag ang kaniyang Christmas wish.

“Merry Christmas too! Ang wish ko ngayong Pasko—-sana magbago na…magbago na…magbago na NG TITLE yung ibang show! Ngehhh! Joke only! Happy and healthy 2024 to all! 😜🤣😛”

Ang “E.A.T” noontime show host ay tila nagpapatama sa isang programa na batid naman ng marami ay tumutukoy sa  programa ng TAPE, Inc. na mga bagong barkada na ang hosts.

Ilang komento naman sa kanyang post:

“Same wish henyo master. Happy new year! Grabe 2024 na!”

“Joke is about 50% real in this case it’s probably around 90%… Merry Christmas!”

Ang ganda ng mga paintings mo boss Joey! Love it! Merry Xmas po sa inyo! GOD Bless Us all!” #LegitDabarkads#EATBulagaOnTV5

“Tama po ang wish nyo, sana baguhin na nila title ng show nila at tumigil na sila sa kakaangkin ng hindi sa kanila, bigyan nila ng sariling title ang mga bagong kabataan na mga hosts nila para maging masaya at payapa na pag-iisip nila, have a happy and healthy christmas po.”

For the local entertainment stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Pinoy Showbiz Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *