Sat. May 11th, 2024

Humakot ng mahigit 1.7M views ang video na nagpabalik-tanaw sa maraming netizens sa panahon ng radio at ng hindi malillimutang ‘Dear Tiya Dely’ days.

Pagbabahagi ng netizen na si  Dominic Cristobal  sa Facebook, “Panahong nauuso pa radyo, panahong wala pa ang makabagong teknolohiya.” #dzrhdrama #tiyadely #buhayprobinsya #simplengbuhay

Sa kanyang video post ay makikita ang radyo na maaaring gamitan ng baterya sa iba’t ibang lugar; sa damuhan, sa papag, sa tabing ilog at kung saan-saan pa. Carry anywhere kasi, ‘ika nga, basta may baterya.

Tapok din sa video ang intro music ng isa sa mga kinagiliwang programa sa radyo mula pa noong 1950s; ang Bella Filipina. na kilalang-kilala ng mga taga-pakinig.

Tiya Dely

Kung ang Amerika ay may “Dear Abby” (sa ilallim ng pen name na Abigail Van Buren, 1956), ang Pilipinas naman ay nagkaroon ng “Dear Tiya Dely” (Fidela Magpayo-Reyes, 1950s). Ang programang ito na nagbibigay ng counseling kaugnay sa letter senders ay tinangkilik ng marami. Itinampok ang sari-saring kuwento ng buhay mula sa mga tagapakinig at ang mga payo ni Tiya Dely na mas pinaganda ng kanyang malamyos na tinig.

Ang multi-awarded broadcaster ay binansagang “First Lady of Philippine Radio” dahil sa ilang henerasyon niyang paglilingkod nang may dedikasyon. Bukod sa broadcasting ay naging matunog rin ang kanyang pangalan sa larangan ng pag-arte (acting) at pag-awit.

Image via Facebook/Emmanuel Brazil Viray

“Throughout her career, Magpayo pushed for educating people on the correct and proper usage of the Filipino language. She also worked for the preservation of traditional Filipino values of respect, honour, and love, which was evident whenever she gave advice to her listeners,” paglalarawan sa ginang na hanggang sa huling sandal ng kanyang buhay sa edad na 87 ay buong puso pa ring naglingkod bilang regular anchor sa DZRH radio program Serenata Kolektibista (na naging Serenata Filipina).

Sa nasabing video na ibinahagi ni Cristobal ay bumuhos ang mahigit 3.6K na komento at pagbabalik-tanaw ng mga netizens sa minahall nilang si Tiya Dely.

“Ang pambansang pinapakingan ng taga probinsya…lalo na pagkatapos ng tanghalin at gusto mo umidlip nakakarelax….”

Maging sa pagbabahagi ng FB page na Family History, News and Classic Stories sa kanilang post ay labis ang pagbibigay-pugay ng mga tumangkilik kay Tiya Dely.

“The most pleasant voice in radio. part of our Filipino culture.”

“I remember her counseling, soft, and hearty voice and loved to listen to her. I was a young teen ager.”

“I believed Tiya Dely’s program theme music was , Bella Filipina. After that her unforgettable line .. Ito ang inyong Tiya Dely .. folks favorite during her time .”

For life stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Stories Section

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *