Sun. May 12th, 2024

Naghatid ng labis na kaaliwan ang pagbabalik-tanaw ng isang netizen kaugnay sa kendi na may mani at libreng singsing na nabibili sa tindahan noong araw.

Caption ni Em Soriente sa kanyang ibinahaging larawan sa Nostalgia Philippines Facebook page. “Engagement ring lang namin nung bata. Wala pang 299.”

Makikita rito ang ilang pirasong pakete ng candy-coated peanuts na sari-sari ang kulay at may kasama pang golden ring. 🙂 Kaway kaway sa mga suki noon na nabighani sa libre at magandang singsing bukod sa masarap na kending may mani.

Sa baryang dala mo ay abot-kamay na ang singsing na nagpapaganda sa ating mga daliri. Super affordable. May kakabit ding biro ang post ni Em dahil sa nag-viral na kuwento ng engagement ring na natanggap ng isang babae mula sa kanyang nobyo nang nag-propose ito.

Sa mahigit isang daang nagkomento ay may mangilan-ngilan na nakuha ang kuwento ng P299 na engagement ring, ngunit mas marami ang masayang napabalik-tanaw sa memories na hatid ng singsing ng ating kabataan.

Gustong gusto ko to bilhin noon.”

“Kahit ilan pa bilihin mo me kasama pang kendi 😍 nakakamisss naman yan” 😊🥰

My favorite, buong daliri ko left and right puno ng singsing hahaha”

“Natawa ako pagkakita, yes i remember…fave ko bilhin yan noon”

“Wow naalala ko to gustong gusto ko bumibili neto nun kase my libreng singing na hahaha kahit naiipit daliri ko kakasuot ng singsing sige lang ang bili hehehe tsaka sarap yan oh”

“Kikiligin ka pag meron to sa chichirya” 🤣

“Ginagawa pa nga itong hikaw ng iba kaya ternuhan sa singsing hahaha”

“Andami ko binigyan nyan nung bata ako… Tinawag ako nun na “salawahan” 🤣😂😂🤣

May mga nakaalala rin na sa panindang sweet apa (parang barquillos na hugos kabibe) ay may libre ring singsing sa loob nito. Mayroon ding libreng singsing sa Vicks menthol candy. Singko sentimos isang balot na anim na piraso ang laman. hahaha Naabutan ng ‘yours truly.’

Naibida rin ng netizen na si Art Felipe ang “Engagement ring namin lol” kalakip ang larawan ng mga kamay na may mga “alahas” na yari sa dahon. hahaha

Malikhain talaga ang mga bata lalo na noong kanya-kanyang sikap sa paggawa ng laruan o mapagkakaabalahan o katuwaan.

Ikaw ba, nagkaroon din ng mga ganiyang singsing noon? 🙂

For life stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Stories Section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *