Mon. May 13th, 2024
kabayo plantsa

Kabilang ka ba sa mga nakagamit ng “old school” na klase ng kabayong plantsahan? Napaglaruan mo rin ba ito noong bata ka ba? Dito ka rin ba natutong gumamit ng plantsa?

Isa ang kabayo ng plantsa sa mga ordinaryong bagay na madalas gamitin sa bahay. Ngunit bukod sa uri nito na madalas na nakikita ngayon sa mga tahanan, mayroong lumang klase na yari sa kahoy at talaga namang subok na kung tibay ang pag-uusapan.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila & Beyond, bumalik sa nakaraan ang marami matapos may mag-post ng litrato ng nasabing klase. Anila, dahil inaabot ng ilang dekada ang old school na kabayong plantsahan, naging malaking bahagi na ito ng kanilang buhay at pamumuhay.

Sa katunayan, ang iba ay gamit pa rin ito hanggang sa kasalukuyan.

“Mayroon pa kami niyan,” ani M.G. “Mas maganda kapag gawa sa kahoy. Iyong ngayon na gawa sa bakal, tumatakbo rin habang nagpaplantsa ka.”

“Gamit namin hanggang ngayon. Diyan ako natutong magplantsa, 1950s pa,” saad ni J. A.

“Mas gusto ko ang ganyan, hindi pauga-uga, matatag, at ang tibay pa. May ganiyan pa rin ang nanay ko,” wika ni E. R.

“Until now we are using it,” kuwento naman ni N. M. “Ang bigat ‘pag itinatayo. Makapal ang sapin para flat kapag pinalantsa. More or less 70 years old na. Minana ko sa nanay ko.”

Pero bakit nga ba ‘kabayo’ o ‘pakabayo’ ang tawag sa plantsahan?

Napag-usapan din ng ilang social media users kung bakit kaya “kabayo” o “pakabayo” ang tawag sa plantsahan. Mula sa post ng isang nagngangalang “Ambo Ambrosio”, nagbahagi ang mga netizen ng kanya-kanya nilang hinuha, teorya, at maging jokes.

“Siguro dahil mataas siya para tawaging kambing. Joke only,” pabirong sabi ng isa.

“Kaya ‘yan tinawag na kabayo kasi diyan sinasakay iyong mga damit na paplantsahin mo,” tingin naman ng isa.

May sumagot din na, “I think it’s related in Mexican Spanish ‘ironing board’ is ‘burro de planchar’ or just ‘burro’ which means donkey. Maybe it’s connected to the fact that the plantsahan has four legs like the burro and the caballo (kabayo).”

Minsan na ring napag-usapan ang topic na ito sa Sagot Ka ni Kuya Jobert:

For the memories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Nostalgia Section.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *