Sun. May 12th, 2024
matulog ka naImage via Pexels

Matulog ka na.

Huwag ka nang tumingin sa telepono, sa pag-asang kakailanganin niya muli ng kakuwentuhan at numero mo muli ang tatawagan.

Matulog ka na.

Huwag ka nang maghintay sa kanya. Kung gusto niya, kanina pa sana. Sa haba ng maghapon ay hindi mo siya naramdaman—gayon din nang matapos na ang napakahabang araw niya.

Matulog ka na.

Ipikit mo na ang iyong mga mata, panahon na upang ang sarili ay unahin mo na. Hindi ka pang-alas tres ng madaling-araw lang. Hindi ka pampalipas ng oras. Hindi ka pampaantok. Hindi ka isang libangan.

Matulog ka na.

Gumising na sa katotohanan. Ipahinga na ang puso at isipan.

Matulog ka na.

Ipikit mo na ang iyong mga mata bago ka pa mahulog muli sa patibong niya mayamaya.

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2021

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *