Sun. May 12th, 2024
Exes BaggageScreenshot from Exes Baggage

Hindi ‘to spoiler ng Exes Baggage kung ‘di parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot–maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang–at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula.

Exes Baggage‘s synopsis: After a chance encounter, Pia and Nix instantly hit it off. Natural conversations eventually develop into deep attraction. Despite their wounds from previous relationships, both decide to take a chance on each other. But when their love blossoms into a relationship, their differences will test their love and will make them question: Are they ready for love when they’re still carrying baggage from their past? (Starring: Angelica Panganiban and Carlo Aquino)

#1 Ang nostalgic kaagad para sa mga batang 90s!

#2 Isang letra lang ang pinagkaiba ng “broker” at “broken”—kaya siguro parehong ikaw ang ibig sabihin nito.

#3 Nakaka-miss marinig kumanta si Carlo! (Batang 90s, remember, JCS?)

#4 Malaya kang magmahal nang paulit-ulit sa kabila ng lahat ng sakit—pero piliin mo pa rin sana kung sino ang mamahalin.

#5 Hindi mo lubos na mayayakap ang kasalukuyan kung masyado ka pa rin nakakapit sa nakaraan.

#6 Kung puro ka kahapon, magiging nakaraan ang kasalukuyan nang hindi mo man lang natitikman.

#7 May isang taong darating sa buhay mo at ibibigay sa iyo ang mga kaligayahang hindi mo akalaing kailangan mo.

#8 Iba ang nagbibigay ng malisya sa nagsasabi lang ng kung ano ang katotohanan.

#9 Paano siya magiging kampante kung nararamdaman niyang sa iba ka pa rin mas komportable?

#10 Sa halip na pigilan siyang umalis, halos tulungan mo pa siyang magligpit.

#11 Pagkatapos ng lahat ng masasayang pinagsamahan ninyo, bakit hindi mo man lang nagawang sambitin ang “patawad” kahit na ikaw naman talaga ang nararapat magsabi nito?

#12 Paano ka lalaya sa piling niya kung hindi ka pa lumalaya sa kung saan ka nagmula?

#13 Malaki ang posibilidad na pakinggan mo ang Dapithapon pagkatapos manood nito.

#14 Minsan, iyong inaakala mong magpapasaya sa iyo ay iyon pa ang taong magiging dahilan ng pagluha mo. Mas malala, pagdating ng panahong iyon ay wala na siya para mag-abot sa iyo ng panyo.

#15 Hirap na hirap kang magmaneho palayo dahil sa kanya mo ipinagkatiwala noon ang manibela ng buhay mo.

#16 Hahabulin mo sana siya kaso hinabol at naabutan ka ng pride mo kaya hinayaan mo na lang siyang lumayo.

#17 Naalala ko sa isang part iyong Dead Stars ni Paz Marquez Benitez. (A must read!)

#18 Moderno na tayo masyado—minsan, sa isang tawag natatapos o nagsisimula ang lahat.

#19 Kapag bumalik siya at ilang hakbang na lang ang layo mo sa kanya, hahakbang ka ba pabalik sa kanya?

#20 Hindi ka makakatayo kaagad pagkatapos ng huling eksena.

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2018

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *