Sun. May 12th, 2024
got 2 believeImage via Star Cinema

Ito ang unang beses na nag-blog ako ng thoughts ko sa isang lumang pelikula. Iyong “Thoughts While Watching”, I define it as, “parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot–maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang–at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula.” Pero puwede rin siguro ‘to. Bata pa ako noong napanood ko ang Got 2 Believe, hindi ko na halos matandaan ang kuwento. At ngayon, after almost two decades, ko lang talaga naintindihan ang kuwento.

Got 2 Believe synopsis: Toni, tagged as the perennial bridesmaid, is a 25-year-old wedding coordinator who creates the “perfect wedding” for her clients. She, however, is believed to remain single until the rest of her life if she would not meet her Mr. Right at her current age because of a family curse. But then, as a perfect fit for Mr. Right comes to sweep her off her feet, she finds herself wishing that it would be Lorenz, the man she used to hate. Lorenz, likewise, is gradually falling for Toni. (Starring: Claudine Barretto

#1 Paano ka pa maniniwala sa prinsipeng katulad ng mga nasa libro ng iyong kabataan kung sobrang taliwas sa mga istoryang iyong kinalakihan ang ipinamumukha sa iyo ng buhay?

#2 Hindi lahat ng “Prince Charming” e darating sa buhay mo dala ang “glass slipper”ang iba, hindi mabilang na pang-iinis ang dala.

#3 Minsan, ang taong pinagtatawanan mo ang siya palang daan papunta sa mga pangarap mo.

#4 Nakaka-miss mapanood sina Rico Yan at Claudine Barretto sa isang pelikula. Sayang, unlike other ex-love teams, hindi na sila puwede magkaroon ng reunion movie. 😭

#5 May mga pagkakataong halos nakukuha mo na ang nais mopero hindi sapat ang halos. Mahirap na paulit-ulit maging “bridesmaid” habang wala kang ibang hinihiling kung hindi maging “bride”.

#6 Gusto mo ba talaga siya o sadyang gusto mo lang makapag-asawa?

#7 Minsan, inilagay na pala siya ng tadhana sa gitna ng dinadaanan mokaya lang nakapikit ka.

#8 Minsan, nahihirapan kang makahanap ng pag-ibig dahil hindi pag-ibig ang hanap mo kung hindi “magic”.

#9 Sabi nila, ang mga bagay na hinahanap natin ay lalong hindi naaabot ng ating paningin. Isipin mo ang sinasabi nila. Baka kaya hindi mo nahahanap ang pag-ibig?

#10 Sabi mo, bilangguan ang pag-aasawa. Oo, bilangguan ito kung maling tao ang kasama mo.

#11 Higit pa sa nakukunan ng kamera ang nakukunan ng lente ng puso.

#12 Minsan, nakikita na ng lahat na umiibig ka na sa kanyaikaw na lang ang hindi.

#13 Gaano man kaimposible, maaari pa rin mangyari sa tamang panahon at sa piling ng tamang tao.

#14 Sabi nila, titigil ang lahat kapag dumating na siya. Pero minsan, saka tumitigil ang lahat kapag nawala na siya.

#15 Sabi nila, kapag dumating na ang “love of your life” ay mawawala ang lahat ng tao sa paligid ninyo at maiiwan na lamang kayong dalawa. Pero minsan, hindi lang kayong dalawa ang matitira sa eksenamay isa pa, may kontrabida.

#16 Madalas, kung kailan mo napagtantong siya pala ang gusto mo e saka naman may iba na siyang gusto.

#17 Hanggang kailan mo itatanggi na mahal mo siya? Kapag naririnig na niya sa iba ang “mahal kita”?

#18 Nakakatawa, nais mo lang naman na lumigaya siya pero hindi ka masaya ngayong maligaya na siya kasama ang iba.

#19 Isang segundo ka lang malingat ay maaaring mawala ang lahat.

#20 Sa hindi inaasahang pagkakataon, pinagtatawanan mo nang paulit-ulit pa pala ang kaisa-isang babaeng seseryosohin mo.

#21 Hindi rason ang takot na tumandang dalaga ka upang maging matapang ka para matali sa hindi mo naman minamahal.

#22 Kahit alam mong masasaktan siya, maging totoo ka pa rin; aminin mo na hindi siya ang gusto mo, aminin mo dahil may ibang mas karapat-dapat sa kanya.

#23 Aminin mong hindi mo siya mahal kahit masasaktan ka, kahit wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka. Mas naging mabuti siya, mas karapat-dapat siya sa katotohanan.

#24 Minsan, ngiti ang inaasahan mo pero sakit ang matatanggap mo.

#25 Gaano ka man kaduwag masaktan, magiging matapang ka pa rin kapag tinamaan ka.

#26 Kapag dumating na ang pangalawang pagkakataon, magmadali kang ikulong ito sa mga palad mo. Maaaring wala nang pangatlo.

#27 Kung papalarin ka, bagamat malayo sa realidad ang nasa mga aklat ay liligaya ka pa rin nang ganap.

Watch Got 2 Believe’s supercut version on Star Cinema’s YouTube channel:

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2018

For the unique movie thoughts that make the world stop and make the world go, read Traffic Digest‘s Thoughts While Watching blogs.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *