Sun. May 12th, 2024
100 tula para kay stellaScreenshot: Viva Films

Hindi ‘to spoiler ng 100 Tula Para Kay Stella kung ‘di parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot–maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang–at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula.

100 Tula Para Kay Stella synopsis: Fidel, a stuttering student tried to make 100 poems dedicated to his beloved, Stella. Will his words make her fall in love? (Starring: Bela Padilla and JC Santos)

#1 Hindi palaging kulay puti ang suot ng mga anghel–minsan itim. Wala iyan sa kulay ng damit.

#2 Hindi palaging kaparehas ng tingin mo sa sarili mo ang tingin sa iyo ng bawat tao.

#3 Parehas kami ni Stella, favorite OPM band ko ang Rivermaya! OMG!

#4 Madalas, pinakamahirap magtapat sa taong araw-araw mong kausap.

#5 Dalawang mabibigat na dahilan para mapakanta ang isang tao: (1) pag-ibig, (2) sakit.

#6 Mas naging masakit para sa akin ‘yong 241 (My Favorite Song). Ang saklap na ilang beses nagkaroon ng dahilan para ialay mo ito sa iisang tao.

#7 Minsan, habang nakatingin ka sa iba ay may nakatingin din sa iyo. Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ang taong ito dahil dala niya ang sakit na nadarama mo at ang sakit na nadarama niya dahil sa iyo.

#8 Minsan, akala mo hindi ka karapat-dapat sa kanya pero ang totoo ay siya ang hindi karapat-dapat sa iyo.

#9 May mga pangarap na hindi para sa iyo pero may magagandang bagay na mapupunta sa iyo kahit ‘di mo pangarapin.

#10 Kahit pa kumilos na ang buong uniberso para magkalapit kayong dalawa, kailangan pa rin na kumilos kayong dalawa.

#11 Maraming anghel na walang pakpak. Kailangan mo lang maniwala na totoo ang mga anghel.

#12 Hindi mapaghihilom ng pagpapagupit ng buhok ang sugat sa iyong puso.

#13 Masarap sumulat para sa iyong minamahal – pero may mga pagkakataong dapat magsalita ka muna bago ilagay ang damdamin mo sa isang katha.

#14 Minsan, dumarating ang tamang panahon kapag hindi mo na panahon.

#15 Hindi numero ang palaging sukatan – minsan, ang timing. Kahit ilang beses mo siyang iligtas, maaaring iyong taong isang beses lamang siyang sinagip ang piliin niya.

#16 Minsan, matagal at paulit-ulit na siyang nagtatapat ng nadarama – hindi nga lang mga salita ang gamit niya.

#17 Minsan, kung walang magsisimula, may maaaring mauwi sa pagtatapos.

#18 Mabilis lang maging “hindi na puwede” ang “hindi pa puwede”.

#19 Hindi lahat ng ‘di natapos na tula ay mananatiling bitin. Minsan, hindi pa lang talaga panahon.

#20 May mga bagay na hindi mo matatapos dahil may ibang tao na nakatadhanang magtuloy nito.

#21 Minsan, kahit alam mo na ang mangyayari ay gugustuhin mo pa rin ulitin ang lahat. Paglabas ko ng sinehan, muntik ako bumili ulit ng ticket!

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2017

For the unique movie thoughts that make the world stop and make the world go, read Traffic Digest‘s Thoughts While Watching blogs.

Full Movie: 100 Tula Para Kay Stella

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *