“Thank God that you were man enough to come answer my momma’s prayers.”
Katy Perry, Never Worn White
Ang sarap talaga sa puso ng feels nitong Never Worn White ni Katy Perry.
A decade ago, sobrang makaka-relate ka sa Not Like The Movies.
At ang sakit-sakit ng The One That Got Away.
Tapos ngayon, parang nagkaroon ng conclusion itong mga kantang ‘to.
Pinakita na tama iyong sinasabi sa Not Like The Movies, “One hundred percent, worth every penny you’ll spent, he’ll be the one that finishes your sentences.”
At pinatunayan na hindi naman kailangan ng “another life” para sa inyo ng tamang tao dahil never siyang magiging “the one that got away”. Kahit gaano kahirap, ilalaban ninyo. Hindi kayo aasa sa wala namang kasiguraduhang pangako na dala susunod na buhay.
May dahilan ang panahon ng paghihintay sa pagdating ng tamang tao.
May dahilan din kung bakit “the one that got away” ang iba—and that’s because they were never meant to stay. Iyong dating lugar nila, kailangan kasing manatiling bakante.
Sa huli, magiging worth it lahat ng paghihintay, pagkakamali, at pag-aakalang napalampas mo na ang tamang tao.
Sapagkat kailanman ay hindi makalalampas ang tamang tao.
© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2020
For song reviews and reactions that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Traffic Playlist.