Sat. May 11th, 2024
never not love youScreenshot: Never Not Love You | YouTube

Hindi ‘to spoiler ng Never Not Love You kung ‘di parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot–maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang–at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula.

Never Not Love You synopsis: The story revolves around two persons meeting and falling in love amid the countless chances of building a life together. But then, career opportunities brought them out of the country; out of the comforts of home, with individual careers going in different directions. The film shows how life changes love. (Starring: James Reid and Nadine Lustre)

#1 Ang pananatili sa relasyon ay parang pag-angkas sa motorsiklo. Kapag pakiramdam mo delikado na, kailangan mong mamili kung kakapit ka nang mahigpit o kung bababa ka na.

#2 Hindi dahil nagmamahalan kayo ay palagi na dapat kayong magkasama. May mga pangarap ka na sa iyo lang; mayroon din siya. Ang laging kailangan ay ang suporta ninyo sa isa’t isa.

#3 Minsan kailangan ninyong maghiwalay para manatiling magkasama.

#4 Hindi mo siya palaging kailangan samahan nang literal. Minsan, kailangan lang na nariyan ka para sa kanya kahit malayo kayo sa isa’t isa.

#5 Tunay ngang iiwan mo ang lahat para sa kanya—dahil iniwan mo na pati ang sarili mo.

#6 Sa isang relasyon, hindi dapat palaging kayo; hindi rin dapat palaging siya, hindi rin dapat palaging ikaw. Pantay-pantay lang dapat—at kung lumampas man sa sakto ay hindi dapat masyado.

#7 Hindi naman palaging kailangan na samahan siyang sundan ang mga pangarap niya—minsan ay kailangan mo lang tumanaw at maging handa kung sakaling babalik siyang walang ibang dala kung hindi naipong luha.

#8 Anong pakiramdam na habang natutupad niya ang mga pangarap niya ay unti-unti namang nawawasak ang sa iyo?

#9 Sana ganito palagi ang mga role nina James Reid at Nadine Lustre.

#10 Hindi dahil nariyan siya para sa iyo ay dapat wala ka na para sa sarili mo.

#11 Hindi maibabalik ng isang “patawad” ang lahat ng mga nasirang plano at pangarap — pero may magagawa pa rin itong maganda.

#12 Puwede mo bang pagbawalan ang isang tao na maging malungkot?

#13 High school feels doon sa “Prom” ng Sugarfree. Hihi

#14 May isang tao na kahit sobrang pinasasama ang loob mo ay siya pa ring gusto mong unang makaalam ng bawat tagumpay mo, gaano man kalaki o kaliit ito.

#15 Minsan, hindi lang dapat natin maramdaman na mahal tayo. Kailangan din maramdaman natin na kailangan tayo.

#16 Mahirap din malaman kung mahal mo pa ba o naaawa ka na lang.

#17 Minsan ay mga alaala na lamang ang bumubuhay sa isang relasyon—hindi na pagmamahal.

#18 Ang dahilan ng pananatili at paglisan, tanging ang nagdesisyon lang ang nakaaalam.

#19 Hindi mo maiaalis kaagad sa isip mo iyong ending. Mananahimik ka muna sa isang sulok at mag-iisip — o magbabalik-tanaw, o huhugot.

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2018

For the unique movie thoughts that make the world stop and make the world go, read Traffic Digest‘s Thoughts While Watching blogs.

Full Movie: Never Not Love You

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *