Sun. May 12th, 2024
wala ka na pala

Isa sa pinakamasasakit ang mga paalam na hindi kailanman sinambit. Wala ka na pala, hindi ko man lang nahalata.

Akala ko, pagod ka lang. Akala ko, kailangan mo lang magpahinga. Akala ko, ayos lang tayong dalawa. Akala ko, wala naman talagang nagbago at ikaw pa rin ang aking sinta.

Wala ka na pala, hindi ko man lang nahalata.

Ang kawalan mo sa akin ng oras, panahon na pala na ginugugol mo sa iba.

Ang pagkaabala kunwari sa trabaho, pagkaabala na pala sa kanya—kaya pala ako ay tila nakaaabala na.

Ang mga malalayo mong tingin at lumilipad na isip, papunta na pala sa bago mong pag-ibig.

Wala ka na pala, hindi ko man lang nahalata.

Pinili kong unawain ka sa lahat ng pagkukulang. Pinilit kong intindihin lahat ng hindi ko na nauunawaan. Pero isa lamang pala ang ibig sabihin ng lahat: wala ka na pala.

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2023

For more ka-Traffic-inspired stories that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Traffic Jam Section.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *