Tue. May 14th, 2024
tamang pag-ibigImage via Pexels

Hindi puro kapanatagan lamang ang matatagpuan sa pag-ibig na tama—pero hindi rin ito nangangahulugan na ito ay mali.

May mga pagkakataong katatakutan mo pa rin na mawala siya sa iyong piling; iyong sa sobrang saya ay mangangamba ka na katulad ng iba ay matapos na lang bigla ang lahat sa isang kisapmata.

Ngunit ano ang kinaiba ng tamang pag-ibig?

Ang tamang tao, paulit-ulit mong katatakutang mawala—ngunit paulit-ulit din ipararamdam na wala ka nang dapat katakutan pa.

Normal lang na matakot ka.

Normal lang na maisip mo na paano kung maulit muli ang mga dahilan kung bakit halos sukuan mo na ang pagmamahal.

Normal din na mangamba ka na hindi maging karapat-dapat sa pananatili niya at kabahan na makagawa ng isang pagkakamali—malaki man o maliit—na posibleng bumago ng lahat.

Pero sa pinakamalalim na bahagi ng puso mo, alam mo talaga kung ano: natatakot ang isip mo ngunit nananalig pa rin ang kaluluwang mas nakababatid kung ano ang totoo.

Dahil sa walang hanggang sakit at malalalim na pagkabigo sa nararamdaman mo, iisang tao lamang ang makapagpapadama ng tunay na kapanatagan sa puso mo. Kapag natagpuan mo na ang taong ito, hindi magtatagumpay ang mundo paulit-ulit man kayong guluhin nito.

At ang kapanatagang ito ay natagpuan ko sa iyo.

© Minsan Okay Lang Ma-traffic | 2022

For the Traffic Feels that make the world stop and make the world go, visit Traffic Digest‘s Literary Section.

By Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic, Muli, Minsan Okay Lang Ma-traffic, and 12.31.23; the books that were published following the success of her literary Facebook blog, Minsan Okay Lang Ma-traffic. A journalist for over a decade now, she worked as a news reporter for Manila Bulletin from 2014 to 2018, covered entertainment and social news beats as a senior writer at Definitely Filipino since 2015, and co-owns Traffic Digest and Reels. People. Words. news sites since 2022. Aside from her journey as a news and literary writer, she has also been a speaker and a judge for campus journalism workshops and competitions, and a senior content strategist at The SVEN Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *