Sat. May 11th, 2024

Naging mainit na balita ang pagkawala ng ilang accounts ng social media personality na si Rendon Labador, gaya ng pagkaka-ban sa kanya sa TikTok, Facebook at sa isa niyang email account.

Mababasa sa Instagram post ni Rendon ang “UPDATE as of today at 12noon September 7, 2023. Binura na ako sa Facebook ng Pilipinas.”

Sa isa pang post ay humingi ito ng paumanhin sa kanyang mga supporters, “Pasensya na sa lahat ng taga suporta natin at kasalukuyan na hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking facebok page.

“Nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala at nagpapadala ng mensahe ngayon. Upload ko ang #OfficialStatement sa aking YT account tungkol dito. Pasensya na at paralisado kaming lahat dahil dito sa pangyayari,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, ilang oras lamang matapos ang Facebook ban ay na-disable na rin ang kanyang Google account at ibinalita rin niya mismo ang kaganapang ito sa kanyang IG Stories kalakip ang screenshot ng natanggap niyang email.

Aniya, “Binura na ako ni Google. Kahit email bawal na rin ang Rendon Labador?”

Dito ay mababasa ang mensahe sa screenshot: “It looks like this account has content that involves a child being sexually abused and exploited. This is a severe violation of Google’s policies and might be illegal.”

Tila nananawagan naman si Rendon sa isa pang IG Story sa mga patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya. Aniya, “Ang mensahe ko sa mga naniniwala at gustong suportahan ang advocacy ko para sa katotohanan at maitama ang mga mali sa Pilipinas, kung bigyan ninyo ako ng platform para magsalita ay gagawin ko.”

Nagbabala rin si Rendon sa publiko hinggil sa mga pekeng social media pages na naglipana ngayon online na ginagamit umano ang kaniyang pangalan.

 “Ingat po kayo sa mga fake pages na kumakalat ngayon, baka magalit sa pananamantala sa aking sitwasyon,” aniya.

“Kaya kung meron man mga lumilitaw na “new Facebook pages” ngayon at new TikTok accounts, HINDI PO AKO ‘YAN. Mag-ingat po kayo! Maraming salamat!  staymotivated,” pagpapatuloy nito.

Ngunit nitong Setyembre 9 ay nakatanggap na rin siya ng notice notice mula sa Instagram, “Your account may be deleted.” Ibinahagi rin niya ito sa kanyang IG Stories.

Sa pinakabago niyang IG post nitong Setyembre 9 ng gabi, nagbahagi naman si Rendon ng isang compilation video niya na may caption na: “WALA AKONG KWENTANG TAO”  #PilipinasToday  #exclusive #interview

Isang bahagi ng kanyang video ang may patungkol sa kanyang mga magulang kung saan ay mapapanood ang binitawan niya ritong salaysay: “Ang pinakamalungkot na nangyari sa akin ay ‘yung judgment ng magulang ko na wala akong kuwentang tao…”

Dito ay isinipi ang ilang larawan at video clips ng ilan sa kanyang mga tinatawag na adbokasiya at kasunod ay isang pahiwatig na may eereng exclusive interview sa kanya sa Setyembre 10 sa ganap na 7:00 PM sa Pilipinas Today. 

Ang kanyang tanong, “kung kailan ako bumoboses para sa mga tao, dun ninyo ako pinatahimik?

Panoorin:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *